PTPA
Mga momsh badly need your advise baka merong same case sa kapatid ko.
Bale kapatid kong lalaki is nakabuntis minor pa sila nung GF nya that time. 1yr old iniwan ng EX.GF ang pamangkin ko samin at parents ko ang nag-aalaga sa pamangkin ko na 8yrs old na ngayon. BTW hindi po naka apelyido sa kapatid kong lalaki ang pamangkin ko. Ang nanay is hindi din nagpaparamdam samin or let say kinalimutan ng may anak sila. In short buhay dalaga. Ang kapatid ko nagwowork naman ever since. Here is our problem.
Madami ng naging GF ang kapatid ko, Pero itong pinaka recent GF nya is masasabi kong tlagang nainlove sya kasi minsan hindi na umuuwi ang kapatid ko sa bahay ng parents ko. Kulang ang attention nya sa anak nya. Na kahit mismo pamangkin ko magrereklamo na kasi nga parang mas may time pa ang kapatid ko dun sa GF. Ilang beses na namin pinagsabihan ang kapatid ko na priority nya dapat ang anak nya hindi GF. Pero wala mas nagagalit sya samin at nawalan na sya ng respeto sa parents namin at saming kapatid nya.
Gusto na namin palayasin ang kapatid kong lalaki apartment nila mama, at dun na sya sumama sa GF nya total parang mas importante na ang GF nya kaysa samin at sa anak nya.
Balak namin ipa brgy ang kapatid ko at mag sustento na lang sya sa pamangkin ko. Nasstress na din kasi kami sa kanya. Sa tingin nyo pwede kaya makuha ng parents ko ang legal guardianship kahit hindi naka apelyido sa kapatid kong lalaki ang pamangkin ko?
Pls I need your advise po para bago kami magpunta sa Brgy may idea na kami.
Maraming Salamat po!
Anonymous