After ng first vaccine ni Baby pwede ba sya igala?

Hello pretty mommies.. Alam ko naman po na normal na lagnatin si baby after ng turok nya at masakit po yun. Kaya lang ito kasing mister ko nagpabook ng tripping ng dec. 8..eh nagkataon na dec. 7 maturukan si baby dahil sa dami ng aberya sa health center (una sa wed lang ang doktor, monday kame nagpunta, pangalawa di daw nila sakop yung barangay namen, pangatlo wala raw doktor nag quarantine muna ksi nag duty sa hospital kaya monday pa may doktor) at sana naman maturukan na si Teddy Bear ko dahil 2 months na sya sa dec. 11.. Pwede po ba sya ilabas after ng turok nya? May tripping kasi kame sa meycauyan bulacan Sbi ko kay mister kung lagnatin si Teddy sila na lang muna ng panganay namen ayaw nya naman Ayoko isapalaran ang baby nmen Kaso pag aawayan namen mag asawa toh nako! Nga po pala mga Mommies.. Mag rant lang ako dito ang hirap kasi talaga Ang hirap po talaga pumila sa government 25 babies lang daw ang tinatanggap sa health center samen kahit nakapila ka pa ng ilang oras kasama baby mo kapag di ka umabot sa 25 pinapauwi Kahit na kapapanganak mo pa lang kesehodang cs ka pa at may tahi Nakakaawa ang mga babies lalo na ngayon may pandemya Yun din ang katwiran nila may pandemic daw ksi kaya 25 babies lang daw tinatanggap nila ngayon pero kung hindi nman daw lahat kme mkapasok Ang hirap pero tinatyaga ko pumila dahil napakamahal sa doktor ng isang vaccine pa lang Mabuti nga at matiyaga pinsan ko pumila 5am pumipila na sya para hindi kami mahuli sa pila Tapos yung ibang social worker pa masusungit kahit nurse at doktor masungit daw Bakit po kaya ganon samantalang sa gobyerno sila nagtatrabaho tapos magsusungit sila Hindi naman lahat ng pumipila sa center eh ugaling squater Nag try na rin ako tanungin si mister kung pwede sa pedia na lang kme mgpa vaccine Sabi nya napakamahal daw Yung wala na lang daw sa center yun na lang daw sa pedia Naisip ko rin yun na nakakapanghinayang nga Eh kaso magtyaga nga ako pumila tapos ipilit nya pa rin ilabas si baby kahit katuturok lng Salamat sa mag tyagang magbasa at sumagot 🙏🙏🙏 God Bless#theasianparentph #advicepls #breastfeedbabies

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pwede k mag email sa doh or tawag ka sa 8888. Pwede mo I raise Yung concern sa kanila. or pwedeng kausapin mo muna sa center regarding sa concern mo sis. then I note mo Sino nakausap mo ska ano Sabi sayo. Kung Kaya mo I record mas ok. (wag nmn video) for reference Kung sakaling itanggi. see Kung my gagawin sila sa complaint mo pag wla ngyari or sinungitan ka itawag mo na sa 8888 sabhin mo rin Sino nakausap mo at ano position. or sa kapitan ninyo. . na Sana mag abiso sila pag 25 na. ska dagdagan Yung araw ng bakuna Kung nag limit sila Ng babakunahan.. mas ok Sana Kung makakapag pahinga si baby Kung nilalagnat. pero ok din Kung nature tripping at d mo nmn hayaan n pumunta kayo sa maraming Tao.. bka my makuhang sakit kung dadalin sa maraming Tao..

Đọc thêm
4y trước

Thank you Momsh.. Sabi nila yun daw ang sabi ng Manila city hall na 25 babies lang daw tlga 😒😒😒

Up