Hi po mga mommy's.totoo po ba na kapag 40's ng nag buntis ay posibleng mahirapan na sa panganganak?
Pregnant @40's

Ako first baby ko at the age of 38, at nalaman ko n buntis ako 25 weeks n si baby sa belly ko, kya nag paalaga ako sa OB, weekly check up ko at andaming vitamins at supplements ang iniinom ko noon, tumataas BP ko, taas din blood sugar ko at nagkaroon p ako ng UTI nung 29 weeks, unang anti biotic na reseta ng OB hindi nawala UTI, kya request nya n mag pa urine culture ako, dun na resetahan ako ng tamang antibiotic sa UTI kya naging Okay din. at Diet din sa foods, more on water din po dapat.. Emergency CS ako kc nawawala ang heart beat ni baby ko everytime na may contraction at tumataas pa BP ko, (Pre eclampsia). kya very risky ako manganak, at 2.6 kg lng si baby ko nung pinanganak sya.. Thank God, kc ngayon 15 months n si baby ko at healthy pa 12-13 kilos na sya.. lakasan mo lang loob mo at pray ka for you and your baby's safety palagi..
Đọc thêmMay tita ako na unplanned yung pag bubuntis nya kase akala nya hindi na sya mabubuntis dala ng katandaan nya at the age of 51 nanganak sya sa first baby nya "Girl" then nung nag 53 sya bigla syang nag menopause. Hindi sya nahirapan manganak kase regular talaga yung check up nya then mahilig sya sa gawaing bahay kaya na stretch palagi katawan nya, nung malapit na sya manganak sinasamahan namin sya nag lakad lakad then water therapy lang din sya inom sya ng inom ng tubig, pinapalakas namin yung loob nya palagi at sabi naman nya gusto daw talaga nya magka anak kaya kakayanin nya. sa awa ng Diyos after 3 hours labor nanganak na sya at hindi sya nahirapan, hindi manlang tumaas bp nya hindi sya kinabahan kase alam nyang naka suporta kami sakanya.☺
Đọc thêm18weeks preggy,39yrs old.tinanong ko sa ob ko kung hindi pa ba risky yung edad ko na magbuntis pa,sabi naman nya may pasyente na sya dati na 42 yrs old ayos naman kaya wag daw akong kabahan.cguro nasa tao nadin yan,kahit bata kung maselan magbuntis,mahihirapan talaga.cguro kailangan mo lang talagang gawin ay laging magpacheck up para makita kung may hindi tama sa pagbubuntis mo,at syempre samahan nadin ng matinding pagdarasal,kasi hindi talaga biro ang magbuntis
Đọc thêmYes po. considered high risk na po kapag ang babae tumuntong ng 35 yrs old. Ako po 36 yrs old, pregnant ngayon 24 weeks. Every 2 weeks ang check up and monitored ang bp kasi meron akong chronic hypertension though controlled ang bp ko. Di ako nagpapakampante. Ingat po ako sa pagkain kasi ayoko mahirapan kami ni baby. Good luck po Mommy praying for your safe pregnancy journey and delivery.
Đọc thêmthank you mhie. likewise
High risk pregnancy na pag late 30's na ang babae, nabuntis at nanganak ako sa 5th baby ko at the age of 37, normal delivery lahat ung 4 kids ko,pero sa 5th ko, na-emergency CS ako due to pre-eclampsia...take note hindi po ako high blood during pregnancy,pero nung manganganak(labor) n ko,biglang tumaas ung bp ko....pero thank God, naging safe at ok nmn kami ni baby...😊😊
Đọc thêmMay 2 tita ako na nanganak in their 40's. Yung isa matigas ang ulo, di pumupunta sa regular check up ayaw magpa lab test. Time na manganganak siya ayaw pa niya pumunta ng hospital, di naka survive baby niya kasi tumaas bigla BP. Isa ko namang tita inalagaan talaga pregnancy niya, gave birth via CS kasi yun yung safest option
Đọc thêmthank you po sa mga replies nyo mga mommy.sana po maging okay kami ni baby til mailabas ko cya.18yrs old na po kasi eldest ko now lng po ulit naka buo hehehe.actually last aug.2024 nagbuntis ako pero october niregla ako.then ngayon na ulit.11weeks na po now akong buntis
hi mommy ako eto turning 41 y.o first time mom sobrang hurap highrisk pregnancy kase dami gamot iniinom thankful kase ok naman kami ni baby magastos lang talaga pero ok lang para sa health namin ni baby 8 months na tyan ko ngayon
Depende po but mostly because of health. Pa alaga ka lang talaga sa OB mo mie, incorporate exercise and good diet din. Iwas sa sobrang taba tsaka sobrang tamis. Always check your sugar and BP
Ako po 35 yrs old nag buntis pa. Ung OB ko bwisit na bwisit sakin kasi dami ko complication. konti tubig ni baby sa loob. tumaas BP ko, taas p ng sugar ko. Mahirap ako na nag sasabi.
Hoping for a child