First trimester: ilan weeks po kayo unang nagpacheck up nung nalaman nyo na buntis kayo? Tvs?

my last mens is April 16. I'm regular naman kaso nung May hindi nako dinatnan kaya bumili na nga ako ng PT at nag test nung last day ng May. Ang result is dalawang linya yung PT ko kaso Faint yung isa kaya parang kinakabahan ako na nag-aalala. Sinabihan ko yung midwife na ante ng partner ko. Sabi nya possible po na I'm pregnant 🙂 so kaya ayon nag wait pa ako ng June for taking the PT for the 2nd time. Yung result naman is same din nong 1st PT ko faint lng din. Kaya nung June 11,2022 agad kaming pumunta ng partner ko sa OB for TVS nag bleeding pa nga ako nun after TVS and then I was diagnosed na may PCOS ako from my both ovaries daw. Para akong tinabunan ng langit at lupa nung nalaman ko na may PCOS ako. Kaya lng hindi ako naniwala dahil kumakain naman ako ng Gulay, regular naman ako at wala ako ng symptoms ng PCOS ngayon lang naman din ako nagka late period. Kaya ayon palagi na akong sumisimba, nagdadasal, at tsaka every Monday pumupunta na ako ng cemetery para makipag usap sa aking mahal sa Buhay na nasa kabilang Buhay na at nagpapamisa sa kanila. Pumunta din ako ng Public Hospital for proper check up ng OB kung anong pills ang iinumin ko for my PCOS at pinabasa ko yung TVS Result ko hindi nya naman ako sinabihan na may PCOS ako at chineck nya din Yung pwerta ko if ang baby ko tumubo sa fallopian tube ko but wala naman daw. Sinubokan ko na rin ang Beta HCG (sa Cupsi Laboratory) Non-Pregnancy then yung result nung ipinabasa ko rin sa public hospital na OB sabi nya, ba't daw Non-Pregnancy eh may Volume daw Yung result ko. Sabi nya kailangan ko pa din mag undergo sa Ultrasound (June 24,2022) para Meron ng kasagutan sa aking pagpapacheck up kaya lang Hindi ako nagpa ultrasound nun. Nag wait nalang ako ng July if rereglahin ba ako. Na feel ko na parang lumaki yung puson ko this time at parang wala akong gana kumain at napaka antok ko at kapag humihiga ako parang lumaki at nag fifirm Yung puson ko kaya nung July 7, 2022 nag PT ako at pumunta ng Centro for Prenatal kasi Sabi ng midwife na possible buntis ako kaya ayon nag prenatal ako at may heart beat 128bpm sa right ovary ko at its a big Miracle na talagang nakikita ko na yung two lines sa PT faint nga lang pero hindi ka gaya ng dati na yung faint nya is talagang iilawan mo pa para makita mo. itong ika 3rd PT ko is napaka clear na talaga kaya nag desisyon kami ng partner ko na poproceed kami sa ultrasound para malaman Namin ang kondisyon ko if PCOS or BABY😇🙏🏻🙏🏻 kayo? akong ikaka say nyo sa pinagdaan ko sana mabasa nyo po itong story ko po. Godbless and Stay Safe always 😇🙏🏻♥️
Đọc thêm
Dreaming to become a parent