Physical abuse during pregnancy

#pregnancy Mga momsh sobrang nahihirapan na po ako.. Lalo na po ngayon 36weeks na po akong buntis ni isang gamit o essentials wala ang baby ko.. 😥 😥 😥.. Ni hindi ko din po Alam ang gender nya o kung anong posisyon nya ngayon kase wala pa akong ultrasound.. Sinasaktan pa po ako ng asawa ko.. Pati nasa tiyan ko hindi nya sinasanto hinampas nya po ng libro tapos kung hindi pa ako nagmakaawa tatadyakan niya pa sana.. Hirap na hirap na po ako.. Sana matulungan nyo ako..

Physical abuse during pregnancy
169 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

wag kang papayag na sinasaktan ka lalo na at buntis ka, walang kwenta yan umalis kana dyan Mommy. Dalawa na po kayo ng baby mo sinasaktan nyang walang balls na lalake nayan! Sa center po magpacheck up kana at dumiretso kana sa barangay ninyo para ireklamo yang kinakasama mo. Mag iingat po kayo ni baby Mommy! 😇😇

Đọc thêm
4y trước

oo nga mabuti may load mommy at nakapag post pa hindi ba niyo alam ang ginagawa mo mommy bakit ganyan pumapayag kang sinasaktan ka may center naman na pwd mo pagpacheck upan lumapit ka sa dswd kung panu ka matu2lungan.

umalis kana po jan before things gets worst. you can go to your nearest brgy. or to the nearest police station so they can rescue you. wag mo na yan bigyan ng second or more chances kasi gagawin at gagawin parin nya sayo yan. save your self and your baby po. Praying and hoping you will get through this.

Đọc thêm

punta ka sa pulis wag mung hayaan na gaganyanin ka niya maging matapamg ka para sa anak mo ... wag mung isipin na lalaki anak mo na walang ama kasj sa ngayun pa nga lang na buntis ka hindi na cxa nag paka ama sa dinadala muh... umaksyun ka para sa sarili muh at sa magiging anak muh ...

Bakit di mo iwan mamsh? Sinasaktan ka na pala tapos nasa tabi mo parin siya? Oo siya ama ng bata pero kung hindi kayo pinapakitaan ng halaga para saan pa't magstay ka sakanya? Mamsh umalis ka na o kaya e report mo. Hahayaan mo bang may mangyari sa inyo ng baby mo bago ka matauhan?

Thành viên VIP

ask mo tulong ng magulang mo. unang una d ka pwede umalis kase delikado para sayo pag nasa labas ka. start mo na ipachek at bumili ng gamit without your husbands help. kase c baby kawawa. Pakatatag ka mommy at pray lagi na mging ok c baby. iwas ka sa arguments.. wag pastress

Misis, ipa barangay mo na yang husband nyo po para po may records na po kayo na nag reclamo kayo ng abuse sa kanya. Pag nag maka awa sa barangay with matching iyak pa, wag kayong ma tinag isipin mo hindi nga siya na tinag nung binugbog ka niya habang buntis ka sa anak niyo.

pabarangay mo mommy asawa mo. jusko di na naawa sayo buntis kapamandin. demonyo asawa mo! kawawa naman kayo ng baby mo😭 please lang mommy hingi ka ng tulong sa brgy at magpacheck up kana sa malapit na health center sainyo. super kawawa si baby mo pag nagkataon😟

mommy, pinablotter mo sana sa brgy nyo, and hingi ka po ng assistance sa brgy or dswd para macheck up ka.. bkit kapa po nananatili jan.. isipin mo po kapakanan nyong magina, wag kang magtyaga jan mommy. try mo po lahat ng nabanggit ko. wala kbng kamaganak na malapit?

Please seek help kahit sa barangay hall lang muna or women's desk. Kung kaya na makituloy muna sa family or friends, go na. Kung may mga pasa, galos, sugat picturan nyo po for documentation. Yung mga gamit ng bata, tsaka mo na isipin, ang mahalaga safe kayong dalawa.

Thành viên VIP

Message ka po kay sa page ni raffytulfo. Para rin po matulungan ka nya sa gamit ni baby tsaka checkup nyo po. Wag po kayo matakot magsumbong. Alis po muna kayo sa inyo mamsh. wala ba kayong kaibigan o kamaganak na mapupuntahan muna? Pa blotter nyo rin po asawa nyo.