Zechariah Blaine ❤️❤️

My pregnancy Journey 🥰 -- *Night of April 24- palaging basa ung underwear ko, kala ko white discharge lang . Leak na pala ata ng waterbag ko . *April 25(12:00am)- my blood na sumasama sa ihi ko. *2:00 am- mild contraction parang dysmenorhia *4:00am- heading to hospital so by 5am na admit na ko, pag IE sakin 3-4 cm na. Mild contraction still *9:00am- moderate labor pero kaya pa naman, pag IE ni doc sakin 8-9cm na pero nakakatawa pa ko kaya nagtataka mga nurse sakin, buti daw nakakaya ko pa . 9:15 nong pinunta nila ko sa labor room. From that time naramdaman kuna ung talagang labor, nakakabaliw ung sakit . Sabi ko baka makaka anak na ko by 12:00pm pero inabot na ko 2pm hindi parin dumarating si doc. Sinasabi ng nurse na mejo malayo pa daw ulo ni baby. Umiiyak narin ako sa sobrang sakit, kulang ata ung word na sakit para ediscribe ung pakiramdam 😭😭 *2:30pm- pinahiga na ko sa delivery room, 1.2.3 push , hugot ng hininga then hold ur breath up to 10 seconds . Pero ang nakakaya ko lang 4-7 seconds, hindi ko maibaba ung ulo ng baby ko . Mataas parin daw kaya di nila ko matulungang mag push .. *Around 3:00pm- hindi talaga kaya, nagmamakaawa na ko sa mga nurse at kay doc 'hindi ko na kaya' . Nagpa emergency CS na si doc, pero walang available sa hospital na mag tuturok ng anesthesia , kaya naghintay pa ulit kami ng ilang minutes sa anesthesiologist. Nagwawala na ko sa delivery room, sobrang iyak at sigaw ko na. andami ko na ring reklamo 'antagal nia' 'tama na' 'san na sya' . Hayyyy grabe . Buti nalang at maasekaso ung 5 nurse na andon , ung dextros ko hindi na pumapatak, andaming dugo narin ang lumalabas sa kamay ko . Pagdating ng anesthesiologist , hindi ko pa masyadong naramdaman ung tinurok sa likod ko kasi mas masakit talaga ung labor ko. Nong nag effect na ung anesthesia saka na ko natulog . (Wala pa kasi akong tulog kasi 2am nong nakaramdam ako ng sakit) nong naalimpungatan ako sinasabi ng doctor bakit hindi daw umiiyak si baby, rinig ko pa ung pagpalo nia sa baby ko . Nong narinig ko lang ung iyak nia saka ako natulog ulit . *9:30pm nong nakabalik na ulit kami sa room kasama na ung baby ko .. una kong reaction e ngumiti sa asawa ko , lumabas na si baby . Ang sakit pero worth it ❤️❤️ --akala ko un na un-- Pero di ako makapag pahinga ng maayos dahil sa sakit ng sugat ko sa loob 😭😭 di ako makagalaw kahit pa side side lang sa kama . --ito pa-- Ang sakit din pala magpa dede . Ung dalawang nipple ko na crack na, nagkasugat na rin, ang sakit pag sinusupsop ni baby . tas wala pang lumalabas na gatas 😭 -- Sabi pala ni doc kaya daw hindi ko mailabas si baby kasi nakareverse ung posisyon nia, hindi sya makarotate habang nagpupush ako kasi malaki daw ulo nia . Kaya ung ulo ni baby mejo mahaba, nakikita rin ung line na na stock sya . EDD: April 21, 2021 DOB: April 25, 2021 -- Thank You sa pagbabasa 😅 #1sttimemom ❤️

Zechariah Blaine ❤️❤️
32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

congrats momshi , sana all nakaraos na