Opinion . Sana po mabasa nyo 🙏

Hello po, Hihingi po sana ako ng opinion nyo. ☺️ Meron kasi akong baby at plano na din namin syang pabinyagan. Kaso meron kaming hindi pinagkakasunduan ng asawa ko dahil sa kukunin nyang ninang. Nung nka 1month nko nakapanganak tinanong nya ako kung pwede namin kuning ninang yung sinasabi nya. Sabi ko ayoko, sabi nya bakit naman daw? Nagbibigay kasi parati yun dun sa panganay at pangalawa kong anak pag pasko. Galante daw, tig 100 lng naman. Tapos nitong nkaraan lng mag 4mos n baby ko napag usapan nanaman namin yun, tinatanong nya ako kung may kukunin ba akong ninong at ninang ( which is nasabi ko na saknya before *nakalimutan nya lang ) Tapos binanggit nya nanaman etong babae na to na kukunin daw nyang ninang. Sabi ko sknya "db sinabi ko sau ayoko nga sknya" tapos nagagalit sya pinipilit nya talagang maging ninang yun ng anak ko. Tapos biglang papalabasin nya na sinabihan nya na daw yun kahit hindi pa ako buntis . So, nagulat ako? Sabi ko sknya "may usapan kayong ganun bakit hindi mo sinabi sa akin?" Ang sagot nya "wala kang pakialam sa gusto kong gawin". Sabi ko asawa mo ko after all those times hindi mo sa akin sinabi na my plano pala syang ganon. Sabi ko ayoko talaga s babaeng un, tapos wag ko daw ipipilit yung gsto ko. Pag tinanong mo sya kung bkt ba gsto nyang kunin yun ang isasagot nya "eh yun ang gsto ko" Hanggang sa di inaasahan nag-away kami, namura, nasigawan at nahampas hampas nya ako habng hawak ko ung baby namin n turning 4mos old Gsto nya nga akong pukpukin sa ulo at suntukin sa mukha natatakpan ko lang. Kaya yung likod at braso ko ang nabugbog. Ang sama sama ko daw na tao kasi nga ayoko doon sa babaeng yun. Mali po ba ako? Kasi my pagkaselosa ako hindi ko alam kung nasa Post Partrum pa din ako 😔 Yung asawa ko kasi alam nyo po yung pabida, kung baga sa school sya ung sikat, kilala ng lahat tapos nagpapabida lagi. Ganun kasi sya kaya maraming nakakakilala sknya, maraming nagiging close sknya mapalalaki man o mapababae maski nga bakla eh. Kaya di ko maiwasan mag selos tapos ako nasa bahay lang taga bantay ng 3 anak namin. Tapos sya pa my ganang mag isip na nagloloko ako, samantalang taong bahay na nga lng ako. Wala na akong circle of friends. Sya andami, padagdag pa ng padagdag. Baliktad kasi kami. Sya kasi Extrovert Ako kasi Introvert Hindi ko na po alam gagawin ko. Kasi pinipilit nya talaga yung babaeng yun n maging ninang ng anak namin. Tapos nagawa nya akong saktan dahil pinipilit ko na ayokong kunin yun 😢 Wala akong masabihan ng problema ko dito. Kaya ang bigat bigat sa dibdib 😢 Sorry po mahaba . Pero "Maraming Salamat po sa pagbabasa" ❤️

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Obviously na may something sya doon sa babae. Love or lust. Pag may physical nang nangyari, dapat di muna Momsh hahayaan na maulit yon sayo. Grabe para lang doon sa di mo pagpayag na kunin na Ninang sasaktan ka na niya. Picturan mo likod mo kung may pasa para in case na kasuhan mo siya may maipapakita kang proof. Anyways, you have the rights to say NO, dahil ikaw ang Nanay. Di naman niya masabi ang dahilan kung bakit except sa pagbbigay ng pera sa panganay. Think twice, think wise.

Đọc thêm

grabe Yan .. di nmn big deal kung di k pumayag eh hay naku