BYAHE HABANG NAGLALABOR

Hello po ulit mga Momsh! Ask ko lang po if meron sa inyo naka experience na mag labor habang nasa byahe papuntang ospital?1 hr drive po kasi ang ospital ko and ang plano po is if meron man maramdaman for the next weeks since malapit na po due ko, is babyahe naman din po agad, gusto ko lang malaman ano po experience nyo and if para sa inyo safe po ba ito? Thanj youuuu!!

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nung sakin 3cm ako on the day ng last check up ko but no pain.. naisipan lang ako i IE ni OB bago umuwi kaya nalaman niya 3cm na, around 4pm na iyon.. sabi niya manganganak naku kinagabihan so instruction niya is lakad2 daw muna ako para tumaas tapos punta na ng ospital kinagabihan.. gusto ni hubby dumiretso na kami ospital from clinic ni OB but since wala naman ako nararamdaman, sabi ko umuwi na muna kami.. 1hour din byahe samin, nakauwi kami around 7 or 8pm.. tapos nung matutulog naku ng quarter to 11 ayun pumutok na panubigan.. nakuha ko pa maligo kasi di daw pwede maligo agad pagkapanganak, like literal na buhos ng tubig tapos sabon tapos buhos ulit, wala pang 5mins tapos na, pinakamabilis kong ligo ever.. nung nagbibihis naku saka pa lang ako nakaramdam ng pain at mga contractions so byahe kami paospital.. ng nakatricycle lang.. sa sobrang pagmamadali ng tatay ko nakuha niya ng 45mins ang byahe buti na lang wala na masyadong sasakyan sa daan ng ganung oras, probinsiya kasi.. sa tingin ko okay lang naman ang ganung setup since alam ko naman na mataas tolerance ko sa pain so keri naman ako while nagbbyahe kahit mabilis interval ng contractions.. pero diko naisip iyong mga scenario like what if di ako umabot sa ospital tapos nakalabas na si baby which is delikado since wala naman kami alam anu dapat gawin.. and buti na lang talaga umabot pakami sa ospital kasi lumabas na si baby 32mins after arrival namin dun.. mas safe pa din tlga iyong nasa ospital na kaso as far as I know hindi naman kasi din iaadmit lalo na if wala ka pa nararamdaman or hindi pa fully dilated whichever comes first.. diko lang alam sa ibang ospital but dito samin, pauuwin ka pagka ganun.. 38weeks po pala ako nung nanganak..

Đọc thêm
2y trước

Thank you so much po mommy sa pag share kasi kinakabahan po ako konti since na advise kasi ako nung nagpa 4D na mababa na daw ang ulo ni baby. Bukas po naka sched ako magpa IE just to make sure lang po kasi may mga swerteng first time mom na sobrang dali mag labor hehehehe hoping na isa ako dun, ang kaso eto tatlo tatlo back up kong ospital at clinic po para kung saan nalang maabutan better be sure na rin hehehehe pero hoping ako kasi na sama manganak ako sa ospital kung saan nag wowork ang mama ko po kasi para kasama sya na magpaanak sakin, mas kampante ako ♥️

same tayo ng question miii malayo rin samin dito 2hrs byahe naman galing sa bahay namin (yan ay yung wala pang traffic) 😓

2y trước

Opo, kabado ako baka kasi swertehin ng sobra mapaanak sa sasakyan ng wala sa oras whehehe