UTI

Hi po, tanong ko lang po sino din dito yung stress na sa UTi?? Di ko na po kasi alam gagawin ko di pa rin natatanggal uti ko. Lahat ng gamot na binibigay ni ob iniinom ko naman tas water therapy lang talaga ako tas di ko ramdam yung hirap sa pagihi kasi normal naman ihi ko pero bat ganon every pa test ko ng UA ko meron at meron pa rin ?. Kahapon may nireseta yung ob ko yun na daw yung matindi na gamot sa uti ng buntis pero may 2nd option ako yung urinalysis culture kung san daw malalaman ko kung ano yung bacteria na yon. Natatakot na kasi ako puro nako gamutan sa uti baka kasi maka epekto na kay baby yung mga gamot ??. Help naman po salamat sa sasagot ?

37 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Nung 3 months tyan ko, nagka uti ako, inom lang ako ng inom ng buko juice yung natural talaga, at tubig, tsaka yung herbal na pandan lalake na tinatawag nila, buti after 5 days lang dina ko nahirapan sa pag ihi, sobrang hapdi pa naman,

Same tayo mommy since nalaman ko na preggy ako tas pinag lab test ako nalaman may u.t.i ako bumababa siya tas tataas na naman hanggang ngayon mag 8 months preggy na ako tumaas na naman . Sana bago ako manganak wala na yung u.t.i .

Hello try mo rin sa kinakaen.. not too salty po siguro ang dpat kaninin or walang salt. Tas increase mo lang po pagkaen nh veggies and fruits. Continue lang po sa paginom ng water. Tapos proper hygene din po impt.

Thành viên VIP

prone daw po talaga tau sa UTI pag buntis all the more pag nasa last trimester na. Ganyan din ako momsh. But di naman ako binigyan agad ng gamot ng ob ko, water lang talaga kahit kkapagod pabalik2 sa cr.

Influencer của TAP

Buko Juice ka, mamsh. ❤️ Promise big help yon. Ngayon buko juice pa rin ako kapag morning, kahit okay na results ko. NagUTI ako 1st month up to 2nd month. 7 months na kami ni baby kulit. Hahaha.

Ganyan din ako momsh until now, pero dina makapag pa check up ulit bec of ecq. Kaya water therapy and inom na lang ng fresh na buko juice para kahit papaano mawala yung sakit pag umiihi.

Cefuroxime po tinitake ko, safe daw po yun sa preggy lagi po ako meron infection 😅 me time na masakit na talaga puerta at nag prepreterm labor ako sa taas ng UTI Ko

Buko lang lang yan araw araw mawawala agad yan ganyan ginawa ko di ako uminom ng kahit anong gamot para safe si baby. Every morning ko iniinom yun. Ayon nawala uti ko

Naku momhs agapan mo Yan kawawa baby mo ganyan din ako di agad kami nakalabas Kasi me gamutan SI 1week dahil sa UTI ko Kaya lalong napamahal gastos namin

Magtubig ka ng magtubig wag na wag ka magkakape, inumin mo din yung niresetang gamot sayo. At magfresh sabaw ng buko ka kada umaga. Effective po :>