Hello po, tanong ko lang po kung bakit ganon.
Isang buwan na po kasi ako hindi masyado nagpapabreast feed sa baby ko yung gaya ng sa loob ng isang linggo dalawang beses ko lang sya binibreast feed, malakas kasi sobra yung pag agos ng gatas ko kaya hindi kaya ni baby ko 2 months palang sya kaya nag formula nalang ako pero ibabalik ko sya sa pagbf kapag makaya nya na yung gatas ko kaya ginawa ko para hindi mawala yung gatas ko kapag pakiramdam ko paubos na papadidien ko sa kanya para magproduce ulit ng gatas tapos pag lumakas ulit ititigil ko nanaman kasi nabubulunan sya. Pero ngayon po pag pinapadede ko sya sa kaliwang dede ko parang diring diri po yung reaction nya tapos pagpinipilit ko naduduwal sya pero sa kanan ko na suso ok naman po sya then tinikman ko yung gatas ko sa kaliwang suso ko parang medyo may alat sya pero yung sa kanan matamis naman. Normal lang po ba yun? Hindi ba nasisira yung gatas ng ina habang nasa suso? May case po ba kayo na gaya ng sakin? Ano po dapat gawin ko? Gusto ko kasi talaga sya ibf kung hindi nga lang sya talaga nabubulunan ifufull bf ko talaga sya.