Deaf po yata si baby

Hello po share ko lang yung inaanak namin. Worried po kasi kami. 2 years old napo sya pero di pa rin nagsasalita and mas disturbing is kahit tawagin mo sya di rin responsive. Pati kahit nanonood ng mga nursery rhymes, di sya sumisigla. Nahihiya kami magsabi na baka nga may deperensya yung pandinig pero ang sabi kasi nung newborn screening naman daw, wala naman daw problema. May mga babies naman daw na di talaga agad nagsasalita pero ano po sa tingin niyo normal po ba yun? Or need na talaga nila ipa check up para maagapan?

14 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hindi po natetest ng NB screening ang pandinig. Iba pa po yun. Need po iexplain ng maayos sa magulang para hindi sila maoffend and make sure po na kapag sinabi nyo with conviction para paniwalaan po nila kayo. Meron po late ang speech development. Pero mahalaga po sana na kapag may narinig na tunog o ingay ang bata, nararapat lang po na magreact sya accordingly. Ganundin po, kung nasaan ang source ng sound, doon po sya babaling. Kung akma po ang magiging response nya, malaki ang chance na delayed speech. Ganunpaman, mas mabuti parin po ipacheck para mapayuhan ang magulang kung ano yung mga dapat na hakbangin para mapabilis ang progress ng pagsasalita ng bata.☺️

Đọc thêm

Di po nakikita sa results ng newborn screening kung deaf c baby or not kasi po yung sa baby ko aside sa newborn screening niya meron din siyang hearing screening, may ginagamit silang medical equipment to test kung okay ang pandinig ni baby both left and right ears. Mas maigi po siguro i-explain niyo sa parents ang na-observe niyo sa baby nila para kung ano man eh maagapan agad. Usually sa baby kahit ilang months pa lang kapag nakarinig ng ingay or ano mang tunog ay nagre-response sila. Hopefully okay lang c baby.

Đọc thêm
Thành viên VIP

early intervention really helps, pero sa part ng parents pwede sila maging in denial sa una. if yoi will talk to them explain mo na concerned ka talaga sa bata. sa experience ko, 2.6 na nakapag salita son ko, ok naman ang hearing test nya nung kapapanganak lang. nirecommend na mag pa test pero walang nakitang mali. delayed speech lang talaga and now sobrang daldal na. sobrang nakatulong yung iwas sa gadgets and mag play with other kids, and kausapin ng 1 language muna, kung tagalog, tagalog lang.

Đọc thêm

sa akin kc aftr ko manganak ineskedyul ung nbs then hearing test..dun malalaman..at my mga late po tlga nagsslita..may kilala husbnd ko hnd nagsslita sa kapanahunan nya kapitbhay nla,,hanggng 7y.o hnd rn mkalakad ..pro nw..manginginom na at maingay p..😂

try nyo dalin sa pedia. kung di kaya ng pedia irereffer kayo non sa eent. pwede rin po sa developmental pedia. seek help sa mga specialist. mahirap po na puro tanong lang sa ibang mommy, baka kase hindi mag work sa baby. iba iba po kase mga bata.

4y trước

Sabihin namin dun sa mommy, si hubby ko kasi ang may kakilala talaga dun sa mommy pero nag worry lang nga din ako nung nakwento. Nag ask lang ako dito para if ever may same scenario, pwede namin maisuggest.

Thành viên VIP

Separate po ang hearing test sa newborn screening. Best pa rin for now ang ipacheck up sa pedia or sa health center si baby. Sabihin sa kanila ang concern para alam nila kung ano ang icheck at alam kung need irefer sa specialist.

dba before kau lalabas nag hospital dapat matapos ang hewribg test at newborn screening momsh? kase saken ganun..

Na-hearing test po ba sya nung pinanganak? Wag po kayong mahiya, ipacheck nyo na po sya agad hangga't bata pa.

4y trước

Not sure po eh kung na hearing test basta ang sabi po na newborn screen naman daw po. Sorry dipapo kami familiar since preggy palang po ako so diko pa alam ano yung mga process sa newborn screen. Pero will definitely tell them to have their baby checked na nga.

ipa hearing test nu po.. kai pmangkin q gn yan din.. pero naagapan agad.. kaya na normalize ang hearing nya

4y trước

Paano po yung ginawa kay baby na naagapan? Hearing aid or meron pwedeng medical procedure talaga?

Influencer của TAP

Hindi po ba kayo nag pa hearing test? if not, better do it po. Consult with your pedia muna.