Kabet.

Hi po share ko lang po story ko po hingi na din po ako advice. May ka live in partner po kasi ako at may anak po kami nagkaroon po siya ng babae. ni reach out kopo yong babae kinausap ko sya na putulin na kung ano man ang namamagitan sknla ng asawa ko at tigilan nya ndn ang kakatawag sa asawa ko pero di nya ko nireplyan at blinock po ako sa lahat ng accounts nya kaya kinausap ko na asawa ko as usual mag dedeny sya. One day nalaman ko na naman na tumawag yong babae sa asawa ko natutulog kami non edi chinat ko sya ulit gamit ibang account as usual pinagsabihan ko sya ulet na tantanan na asawa ko pero dedma pdn sya tinuloy pdn nya pakikipaglandian sa asawa ko knowing na may anak at kinakasama na ang lalaking nilalandi nya. Nabasa ko lahat ng convo nila ng asawa ko at don ko nalaman na may nangyri sknlang dalawa sobrang sakit parang dinudurog ako. Kaya ang ginawa ko chinat ko ulit yong babae at pina amin ko sya nung una ayaw nya aminin lahat at humihingi na sya ng sorry sa nagawa nya pero iniinsist nya na may nangyri sknla pero bandang huli napaamin ko sya inamin nya skin kung kelan saan may nangyri sknla sa sasakyan daw and don daw sila nagpnta sa overlooking ng gabi na yon. Sobrang sama ng loob ko ilang beses ako nakiusap sknya para layuan ang asawa ko pero di sya nakinig. Sa sobrang galit ko ipinost ko sya pinost ko usapan namin sobrang gulo na ng isip ko non diko na alam gagawin ko inaway ko asawa ko umalis ako kasi di ko na kaya. Ngayon nakita yon ng kapatid nung babae ng asawa ko chinat ako ng kuya nya pero imbis humingi ng pasensya at makiusap na burahin ang post nakisawsaw at inaway ako kaya daw ako niloloko ng asawa ko dahil di naman daw ako maganda at baka daw manloloko din ako kaya ako niloloko winish pa nya na sana karmahin daw ako sa ginawa ko sa kapatid nya at kung di daw ako yong anak ko daw sana ang makarma 2yrsold na babae lang yong anak ko bakit nya sasabihan ng ganon sana ako nalang. Ngayon sinabi nila idedemanda daw nila ako paninirang puri daw ang post ko po is convo namin nung babae na umaamin sya sa ginawa nya kaya i dont think na sinisiraan ko lang sya. Just in case po magka baranggayan po ba may laban po ba ako? Tska di naman po yata tama na idamay nila anak ko sa issue na kagagawan naman nila. Salamat po sa pagbabasa ? need ko lang po maglabas ng sama ng loob.

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis! U have the right to get angry. Kaso un lng ano mo kya un guy asawa legally or live in partner? Ksi kung husband mo sya legally u have all the right pdeng pde mo sila ipakulong anytime u want basta may evidence ka.. pero pg live in partner un lng un ndi ko alm kng hanggng san ang right non sa ka live in nya...

Đọc thêm

May laban ka and pakita mo yung mga evidence mo sa brgy. At yung kapatid niyang kunsentidor kasuhan mo din tigas ng muka ng mga kabet na yan kahit nga asawa mo pwede mo ding kasuhan kung kasal kayo wag kang matakot. Kaya ang lakas ng loob ng mga yan.

Thành viên VIP

Cyber bullying po kasi yan. Dapat po di nyo ginawa. Pag ganyan mahinahon dapat kayo umalis muna kayo ng bahay tapos mag palamig ka. Saka mo kausapin yung asawa mo. Kasi ang asawa mo dapat ang kinakausap mo, bakit nya nagawa mambabae.

CYBER LIBEL SECTION 4 (C) (4) OF REPUBLIC ACT NO. 10175 OTHERWISE KNOWN AS "CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012" Mamsh, wag ka mag de-delete ng conversation nyo. Lakasan mo lang loob mo and laban lang ☺

Technically wala kang laban. Ang laban mo lang sustento ng bata kasi hindi naman kayo kasal so hindi mo sya asawa. Kahit mambabae yan nang paulit-ulit hindi mo sya pwedeng ihabla

Yes pasok sa cyber bullying sis pag may caption ka dun sa screenshot pero kung pinost mo lang wala kang paninira alam ko hindi cyber bullying yun. nagsstate ka lang ng facts.

May mga ganyan na sila pa matatapang. Mga walang utak. May laban ka sis don sa part na dinamay anak mo. Malakas yon. Malakaa ang laban lalo pa pag bata na involve.

PaTULFO mo sis. Wag ka matakot sa mga kabit at sa asawa mong manloloko lalo na sa kapatid niyang sawsawera. Ipaglaban mo karapatan mo.

makipag settle nalang po kayo kasi hindi kayo kasal.. Ang paglalabanan niyo nalang is yung sa bata

Kung Live In Partner po kayo, wala kayong masasampang VAWC sa asawa mo at dun sa other girl nya.