Hello po share ko lang experience ko while pregnant.
napapansin ko kasi very sensitive ako emotionally and mabilis mag init ulo ko sa partner ko, konting kibot nya na nag trigger sakin nagagalit ako sa kanya. Minsan naawa ako sa kanya pero minsan din sumasama loob ko sa kanya kasi palaging ubos agad pasensya nya sakin. like one time naglaba sya tapos nung nagsasampay na medyo nainis ako kasi hindi ayos pagkaka hanger ng damit, tapos nainis sya sakin at medyo tumaas tono ng boses nya. pag napupuno sya sakin ganon ang nangyayare, and ending napapaiyak ako ng di ko mapigilan. ano kayang pwede kong gawin? naiisip ko minsan maging cold nalang sa kanya tutal lagi lang naman nauubos pasensya nya sakin. 😔