Late BCG
Hello po. Sana po masagot agad ang concern ko. May baby po kase ako, 2 months na hindi pa rin na-BCG. Wala po kase BCG dun sa pinag-anakan ko. Last Nov 4 nagpunta kami ng health center para magpabakuna. Nagtanong ako kung meron sila BCG, sabi ng midwife meron naman daw. So akala ko matuturukan na si baby. 2 ang tinurok sa kanya, hindi sinabi ng BHW na nagturok kay lo kung ano ang tinuturok. Pagtingin ko ng immunization card nya nung pag-uwi namin, PCV, Penta1 at OPV1 lang ang may remarks. Next na balik namin is sa Dec 2 pa. Ask ko lang po kung pwede ko sya paturukan next week ng BCG kahit 2 weeks pa lang ang nakalilipas nung tinurukan sya? Natatakot kase ako kung 3 ang iturok sa kanya sa Dec 2 pag kasama na yung BCG. Although hindi naman sya nilagnat sa Penta1, pero still, natatakot ako para sa anak ko, baka di kayanin eh 😢😩 Sana po may makapansin agad. Need advice please. Thank you. #1stimemom