21 Các câu trả lời

Team September ❤️ nakaraos na kahapon 🥰 1 week stock sa 3cm pasulpot sulpot sakit . kahapon akala ko false labor naman humilab sya ng humilab ayoko pa Sana pumuntang ER Kasi Baka pauwiin nanaman Pag dating sa ER 8cm agad bilis ng pang yayari Sana kayo din makaraos na Hindi na pinahirapan ni baby .25 mins Lang naramdaman ung sobrang sakit ng labor . Pero sakit ng tahi 😂

lumabas na mucus plug ko nung 3cm po ako after ko po maIE then un po pasulpot sulpot ung hilab Hindi nag tuloy tuloy..then nagkaka pinkish discharge po ako ... 1 weeks stock sa 3cm. wala akong masyadong ginawa na lakad lakad gawaing bahay Lang po wala din po akong ininom na pampahilab or ung primerose wala din .parang nagrelax Lang ako .inisip ko na Lang lalabas na Lang si baby ko .. nag laba po ako ng Wednesday ng umaga automatic pa po washing namin so walang pagod.. normal Lang po Ganun then natulog po ako pagkagising ko napupu ako nung Una nag pupu talaga ako then parang mag kakaregla po ayun humilab po tyan ko tuloy tuloy Hindi namn sobrang sakit . napupu po ulit ako Pag eri ko may lumabas ng dugo na pulang Pula konti Lang un na Pala naglalabor na po ako..6:00 pm po ako nakaramdam ng hilab then parang magkakalapit na ung hilab na Hindi masakit nakapag ayos pa nga po ako ng gamit actually ako at anak Kong 7 years old Lang nasa bahay nun wala.asawa ko tapos nakabukod na Kami tumawag

ako lagi antukin 37 weeks na. Hindi pa na IE ni OB. my times na medyo sumasakit ang puson and balakang pero na nawawala din at madalas masundan. wala padin mga discharge, d Rin ako nag papatag tag pa kasi hangang next week pa pasok ko. hehe. goodluck saten mga momsh.

Hi team September din po ako 36 weeks and 5days na ako today so far wla nman akong mi nararamdamang iba pwera nalang sa nahihirapan ako mka hanap ng komportableng posisyon sa pagtulog sa gabi at nalikot c baby sa gilid 😂 at umaatake ang heartburn ko.

Same sabayan pa ng pagsakit ng puson ng pempem tsaka parang maga lagi. Mahilig din sumiksik baby ko sa mga gilid gilid masakit na haha. EDD ko is Sept. 19 sana makaraos na dami ko ng nabiling kung anu ano para kay baby sya nalang inaantay hahaha.

September 5 ang schedule ng CS ko pero gusto ko na sana manganak na.pagod at puyat na.dna nakakatulong sa sobrang likot at sakit gumalaw ni baby.sana maglabor na ako before ang September 5🙏para makaraos na din po

Hi, team semptember din po ako. Normal lang po ba sobrang kati ng private part? Nahhirapan ako makatulog dahil sa sobrang kati lalo sa madaling araw. Kaya palagi akong puyat. :(( Sana may makasagot

Meron ako discharge parang green yellow ung color tapos medyo may amoy :(

Ako momsh sobrang sakit na ng pempem parang namamaga pati singit palage na din masakit puson at madalas sumakit likod nagdidischarge na din ako nung parang sipon. Sana makaraos nako 38weeks nako

Sana nga mii di nako abutin ng 40weeks hirap na gumalaw e bukas palang ako magpaie sana open na cervix ko. Excited nakong makasama si baby,🥺

d na din po makatulog Ng maayos..sobrang likot na ni baby 😅Lalo n pag nakasideview akong humiga parang gusto Ng lumabas Ang skit na din sa tiyan...as of now may discharge nmn n po ako😊

Team september din po ako. Sobrang hirap huminga at matulog lately. Di ko na alam paano ko makukuha ang tamang pwesto. Gustong gusto ko na matulog pero di ako makatulog huhu

37weeks and 3days po ako, 2cm po ako nung nakaraan tas ngayon po 3cm na po☺️ Lakad lakad lang po pero wala po masyado nararamdaman na sakit parang normal lang po🤍

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan