Wala bang side effects pag iinom ng gamot na pampakapit?

Hi po sa inyong lahat, good day! May itatanong lang ako, okay lang po ba na bilhin kotong gamot na ni reseta ng doctor sakin? Pampakapit daw to, 3x a day in 2 weeks ko daw to i ta-take, Nag ble-bleeding po kase ako tapos 1 and a half month preggy palang ako, natatakot ako baka may side effects, baka may mangyari kay baby, second bby ko nato pero di naman ako nag ble-bleeding nong una kong baby. #answermyquestion

Wala bang side effects pag iinom ng gamot na pampakapit?
65 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang Isoxillan po ay isa sa mga tinatawag na pampakapit. Ibig sabihin po, may chance na malaglag si baby unless uminom kayo ng gamot at sundin ang payo ng OB. Hindi po 'yan irereseta kung hindi nyo kailangan or makakasama kay baby. Kung kailangan nyo po ng reassurance tungkol sa mga gamot na ite-take nyo, talk to your OB po. For sure, mas qualified naman sila na sagutin ang tanong mo kaysa sa internet strangers 😅 Hindi naman kami dalubhasa at wala po kaming alam sa medical history nyo. Ang mga OB po ay nag-aral ng mga 13-14 years from pre-med po hanggang specialty. Plus kung ilang taon ang experience nila. Kaya sana po magtiwala po kayo sa OB nyo. Tsaka every pregnancy po is different. Hindi dahil ok yung una ay wala ring issue sa susunod. Depende po yan sa maraming factors.

Đọc thêm

Trust your OB monsh, cgro nman naipaliwanag nman ng maaus sau kung bkit k pnpatake ng ganyan gamot. Hindi nman po cla mgbbgay bsta2 ng gmot, need mo tlga yan pra kumapit c baby. Sabi mo nga ngbleeding ka, any bleeding po is hindi maganda pra s buntis unless kabuwanan mo n. And don't compare po yung pregnancy mo ngaun against s pregnancy mo sa eldest mo. Iba-iba po kya sundin mo n lng po ang payo sau ng OB mo. Wala po yan bad side effect. Ako din po ngtake ng pampakapit per advise ng OB ko kase ngka-subchorionic hemorrhage po aq and more than a month po ako nkbedrest. Ingat k n lng lagi momsh para umokey kayo oareho ni baby mo.

Đọc thêm

Trust your Ob-Gyne momsh, pam pakapit po yan n stop yung bleeding para hindi po mag ka miscarriage. Always ask your ob-gyn when in doubt wala po masama doon, for iknow i explain po nila yan. Those are oral medicines n pricy talaga siya so i suggest look for generic counterpart of the medicine para maka mura kapo. before i had threaten miscarriage with my pregnancies Vaginal Suppository nireseta sakin thankful naging okay naman kami ng babies ko. Iwas stress n take full bedrest din po momsh. hope this help

Đọc thêm
4y trước

Magtiwala ka lang sa ob gyne mo. Kac xa ang nkaka alam. Hindi kac pareho ang pagbubuntis. Tulad sa akin sis ok nmn ang pagbubuntis ko sa 1st. Ngayon nbuntis ulit ako pangalawa my sumasamang dugo sa white blood ko tpus sabi lng skin ng ob gyne ko wag muna ako gumawa ng gawaing bhay tulad ng paglalaba tumayo ng mtagal at wag muna mgbuhat ng mbigat.. Hinay2 lng muna ikaw. Kc masilan pa

Wala po side effect ang pampakapit mommy kaya po yan nireseta ng OB. nyo my 1st month nag spotting din ako kaya nag take ako orally ng progesterone and afterwards insert ko na yung pampakapit sa vagina (am and pm) as per my OB. 1 month din ako complete bed rest. spotting can lead to miscarriage kaya nireresetahan tayo nyan. wag kana na rin po ma stress mommy. stay safe and follow your OB's prescribed supplements/vitamins

Đọc thêm

Oo naman po. Basta reseta ng ob safe po yan. Ako po nagtake nyan 1st tri kc nagbleeding ako inside sa uterus. Tapos 2nd tri din kc may paninigas para pamparelax ng matres. And now 3rd tri ko, 35weeks to be exact, nainom po ako kc may pre term labor. Yan ang nakatulong samen ni baby. Kasama ang bedrest at pag iingat sa mga kinakaen. Prayers lalo na. 😊🙏💕

Đọc thêm
4y trước

same tyo sis 9 weeks aq meron dn me bleeding s loob o subchronic hemorage. heragest nireseta skin.. tpos isoxsuprine tocolytic n onwards iwas preterm labor pntake skin...7 mos n me ngyn..

Influencer của TAP

aq 9 weeks first tvs q pngtake ng heragest 2 tyms a day for 2 weeks my bleeding kc s loob awa ng Dyos after q itake pmpkpit nwla n sya... pero tinuloy tuloy p dn ng ob q ung pmpkpit 3 tyms aday iba nmn tocolytic n until now 7 mos n me kaumay n nga uminum e... iniisip q n lng pr s safety nmin ni baby...

Đọc thêm

wala naman po masama siguro mommy na sundin natin si OB, ako po duphaston, heragest, at isoxillan iniinom ko now kasi i had 2 miscarriage, so 1st trim palang umiinom na ko ng mga pampakapit. para po sainyo at sa baby nyo din po yan. Ingat momsh and always pray for our safety pregnancy. 😊

Mommy hindi naman po irereseta ng OB mo yan kung makakasama po sa inyo ni baby. Ako ang dami ko pampakapit nung 1st trimester ko kasi nagbleeding din ako. Pero sinunod ko yun, ininom ko lahat para maging safe si baby 🥰 trust your OB mommy, she knows what’s best for you.

wla pong mangyayari kay baby, ganyan rin ako halos 3× a day rin pampakapit ko oral at meron pa po ung nilalagay sa ano ko po. ung oral up to 8 months ko po iniinum. ung nilalagay sa ano nmn po 3 months. basta makinig lang po kau sa Ob nyo. 5 months n baby ko ngayin☺️♥️

ndi nila irereseta ang gamot kung ndi para sa case mo yan din ininom ko nun 6mos ko yan ininom kasi maselan ako mgbuntis. and kung sa una po ndi ka ngbleed at sa second child ng bleed ka ganon talaga every pregnancy is different iba case mo ngayon kaya ingat mamsh! 🤗