postpartum??

Hello po sa inyo, gusto ko lang pong mag tanong. Hindi kopo alam kung nakakaranas po ako ngayong ng postpartum o hindi, 6 na buwan napo ang nakakalipas simula nung ako ay manganak sa 1st baby ko, umiiyak po ako minsan pero hindi ko alam kung bakit, feeling ko mag isa lang ako, natarakot akong mag open up sa iba dahil feeling ko hindi nila ako maiintindihan, kaolangan kong tumawa o maging masaya yung paligid ko para di ako makaramdam ng lungkot, pag napag iisa nalang ako, para akong nilalamon ng lungkot, andami daming pumapasok sa isip ko, masyado na akong nag ooverthink, dumadating narin ako sa punto na minsan nasasaktan kona yung sarili ko, tas dumagdag pa yung partner ko na hindi ako maintindihan o ako ang hindi nakakaintindi, hindi ko na alam kung tama ba o mali yung mga pinag sasabi ko... Sa tingin nyo po nag popostpartum po ba ako o may iba pa akong sakit?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi momsh normal lang po na magkapostpartum ang mga katulad natin na bagong panganak.. may ibang cases nga po na up until 2 years old ung mga anak tsaka lang nagkakapostpartum.. ganyan ako sa first baby ko lagi ako naiyak lalo na pag magisa lang akong nagbabantay sa baby ko at sa gabi pa. Kausapin mo si hubby mo sa mga nararamdaman mo momsh.. sila ung talagang makakatulong natin sa journey ng pagiging mommy.. pray ka din momsh na bigyan ka ni God ng maraming kalakasan at pasensya para maging mabuting nanay. Gawin mong inspirasyon ang anak mo. Kaya natin to momsh. Praying for you. 😊

Đọc thêm
5y trước

Thank you😭