Pregnancy
Hello po, pwede po ba magwalis or mag linis ang buntis?
yes po,basta yung magagaan na trabaho lang inay,wag mo pilitin gawin un mahihirapan ka,katulad ko,kahit na magtambak ang labahan basta feeling ko di ko na kaya maglaba,di ko pinipilit,pakonti konti binabawasan ko pero di ko pinipilit kasi baka si baby naman magsuffer,
Oo naman kung di ka naman maselan Ako nag hahandwash pa nga kahit may automatic na washing naman 😂 wala lang trip ko lang mag handwash haha, naglilinis at nagluluto pa ako ☺️ katamad kasi pag walang ginagawa hehehe☺️
Pwede naman siguro kung di ka maselan ako kasi sobrang selan himala pa ngang nakakapag laba pako at luto e sobrang dali kong masuka bawat galaw ko at may maamoy na di ko gusto nasusuka nako 😖
Oo nmn ako nga hghrisk pa at my age at mababa matres pero 3 House ang nililinis ko ayoko magpakamaselan sanay ako sa gawain bahay at sanay ako mag workout before mabuntis 😂
Pwede po magwalis ang buntis lalo na kung di naman siya maselan sa pagbubuntis. Basta kung magwawalis man po make sure na lang na di ka po masyadong yuyuko.
Yes ako nga 37 weeks nakakapag laba pako hand wash lang naglalampaso din ako ng sahig gamit ang paa.. Nagagawa ko pa gawaing bahay.. Ang hirap nga lang.
Ako nga everyday pa naglalaba para di maipon labahin at di talaga maiwasan na mag buhat pa nang mabigat (para pang patagtag narin). 36weeks here.
Oo Naman mommy ako nga halos lahat ng lilinisin nililinis ko hehe Hindi ako masyado naka higa kase para Hindi ako mahirapan manganak..
Kung di naman po maselan ang pagbubuntis nyo. Okay lang momsh. Basta wag lang po yung mga gawaing kelangang magbuhat ng mabigat.
Opo pwede ako ng bobomba pa ako at ng sasalok ng tubig hahaha kso maliit lang na timba ksi pag malake na msakit na sa puson