Mama's Boy
Hi po. Pa rant lang po. Help naman on how to deal with partner na mama's boy. Mejo nakakairita na kasi. Nung wala pa kami anak mejo okay pa. Pero nung nanganak na ako, dun lumabas at nadiscover ko talaga. Lahat ng actions at decisions in life laging "sabi kasi ni mama kesyo ganto ganyan" nakabukod naman kami pero nakakarindi padin. Lahat pa ng ganap kinukwento sa nanay. Maski konting tampuhan na normal naman sa mag asawa sinasabi din. Nung buntis ako, ni hindi man lang ako kamustahin o binisita tas ngayon nanganak na ako biglang gusto nya sya masusunod. Dapat ganito dapat ganyan. Laging nakabantay sa gagawin ko sa anak ko Tapos pupunahin. Pag pupunta sila sa bahay namin parang ako pa yung naleleft out. Pinaka nainis ako nung sinabihan nya akong iformula ko daw anak ko para di laging nakadikit sakin. E hello wala pang 1month yung baby ko malamang ako lagi hanap nun. Siguro naiinis kasi kada punta nila gusto lagi ni baby na ako kasama kaya di nila makuha. Mejo maedad na kasi mama ni lip so pag naiinis ako at magsasabi ako sakanya, mamasamain pa nya at magiging cause pa ng away at tampuhan namin.