Bumukod ng bahay
Hi po! Need advice lang po. May sarili na po akong pamilya at nasa poder po kami ng nanay ko. Wala na po kasi makakasama ang nanay ko bukod po sa kuya ko na PWD. Ako po ang bunso sa amin kaya simula ng nag-asawa ang dalawa kong ate ako na ang naging breadwinner sa amin. Kaya lang po ngayon hirap po ako sa sitwasyon ko kasi halos lahat ng kilos ko ay pansin ng mga ate ko. Kesyo sinasabayan ko daw pagtulog ang anak ko, gigising na daw kaming mag-anak kakain na lang which is di naman po totoo dahil kahit late po ako nagising ay ginagawa ko parin po ang gawaing bahay. Sa totoo lang po late na po talaga akong gumising dahil lagi pong madaling araw na ang tulog ni L.O. Sinasabihan ko naman po si nanay na ako na ang maglalaba pero sadyang makulit po sya, kaya ang akala ng mga ate ko hindi ako naglalaba. Sa totoo lang po gusto ko ng bumukod dahil ang hirap po kapag madaming nakatingin, lahat na lang po ay napapansin. Pero nung sinabi ko po sa panganay kong ate na may balak kaming bumukod, sabi po nya kakausapin po nya yung isa ko pang ate para paghatian nila ang gastos sa bahay nila nanay kung sakaling bumukod kami. Kaya lang parang ayaw pumayag ng pangalawa kong ate dahil iba daw po ang konsumo ng mga nanay sa kuryente dahil kumpleto sa gamit. Kapit-bahay po kasi namin ang pangalawa kong ate at iisa lang ang linya ng kuryente at tubig dahil hinati lang po ni nanay ang bahay nya para may maibigau kay ate. Sabi ko po nanay at kapatid naman nya ang tutulungan nya bakit napaka-hirap gawin para sa kanya. Iyan po yung dahilan ng hobby ko kung bakit nag-aalinlangan syang bumukod kahit gusto nya, iniisip po nya ang nanay ko dahil parang ayaw akuin ng pangalawang kong ate yung responsibilidad ko dati. Sa akin naman po wala naman pong kaso ang magsustento sa nanay ko pero sana naman po hati-hati na kami dahil pareho na kami ng sitwasyon, pareho na po kaming pamilyado. Kaya po ngayon napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba ang pagbukod o hindi. Naaawa rin po kasi ako sa nanay ko. #bumukodsamagulang

