Married Life
Hello po nais ko lang pong mag share at tumatanggap din po ako ng suggestions. Bagong kasal lang po kami nang husband ko this week lang. 3years po kaming naging mag bf/gf bago kami nagpakasal buntis din po ako ngayon, ang sakin lang po bakit po parang feeling ko hindi excited husband ko na makita ako parang di siya masaya di rin siya nakikinig sakin sa twing pinagsasabihan ko siya feeling ko tuloy wala akong kwentang asawa kasi di nya ako pinapakinggan. Pag nasa friends siya ang saya niya pero pag kami lang wala kaming halos napaguusapan kasi sa twing nag oopen up ako ng topic tungkol samin sa future parang naiinis siya napapaisip tuloy ako bat pa ako pinakasal kung ganyan din siya. Di naman akk tulad ng iba jan di ako gumigimic or umiinom di rin ako naglalakwatsa masaya ako kahit kaming dalawa lang pero feeling ko ang unfair naman kung ako lang ang masaya tas siya hindi. May dapat po ba akong gawin? Kung meron anu po?
Preggers