Tanauan Hospital Recommendation

Hello po moms na taga Tanauan,😊 lipat bahay kasi kami sa Tanauan by May po, ask ko lang san po maganda manganak sa Tanauan saka nasa magkano po nagastos nyo?thank you po😊#advicepls #pregnancy #pleasehelp

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello po. Hindi po ako taga Tanauan at hindi pa po nanganganak. Ngayon po, sa St. Frances Cabrini ako nagpapacheck up (sa Sto. Tomas) pero yung OB ko po ay nagduduty din sa Daniel Mercado Medical Center. Doon po sa Mercado ko balak manganak. Ang sabi po ni Dra. pag normal semi private nasa 30 to 40k, pag cs semi private 70 to 80k. Yun daw po package pero may mga hindi pa po kasama. Kagaya ko, may gestational diabetes, so kailangan nakamonitor din ang endo. Additional cost daw po yun. Ang alam ko may CP Reyes Hospital din sa Tanauan pero di ko lang po alam kung magkano po doon. Stay safe, mommy.

Đọc thêm