Venting out (sad mommy)
Hello po mommies! Nafeel nyo na po ba na minsan kahit ginagawa nyo na best nyo and trying hard nman po sa pagpapalaki ng mga babies eh kulang parin? Ung pakiramdam mo na di parin po kayo sapat? Ang sakit sakit po ng tuwing umiiyak ang 1st born ko ang hinahanap ang lolo/lola nya (working mom po kase ako and sa gabi ko lang halos nakakasama 2 yr old ko) but as of now po kase naka maternit leave ako and halos ako po the entire day and night nagaalaga sa kanila. Sad lang ako kasi parang hindi po ako ang "safe place" ng anak ko 😢 na kahit anong pilit kong ilapit sarili ko sakanya ang lolo at lola parin ang hinahanap 😭1 month palang po mula nung na CS ako at nakakalungkot na diko mabuhat ung 2 yr old ko tuwing umiiyak sya. Umiiyak nalang din po ako tuwing nagbabanyo. Super lungkot ko lang 😢#pleasehelp #sentiments #SentiMama #MomTalk