1 month pregnant (First time mom)
Hello po mommies, mag tatanong lang po sana normal lang po bang walang may nararamdaman na mga morning sickness or signs na buntis ako sa ganitong stage po? Thank you po #firsttime_mommy
yes, 1st month pa lang kasi. yung isa kong kasamahan sa work sabinrin nya walang nafifeel nung 1ts month nya, nagulat pero nung 7weeks na sya dun lumabas lahat. depende rin yan sa nagbubuntis, di oare pareho ng journey kasi.. ako nun nagstart pang2nd month ntapos 4th month sa 1st baby ko then sa 2nd baby hanggang 3rd tri meron ako nung suka at hilo iba iba po.. just enjoy lang yung sayo na walang suka hilo etc oag kasi naexperience mo yang, nakakasuko talaga., be thankful na wala kang ganun
Đọc thêmHow I wish maramdaman ko ulit yung sa first born ko. as in no cravings walang morning sickness 😊 Ngayon nako po.. yung mga paborito kong kainin ayaw ko tanggapin nahihiya ako na ewan sa mister ko, luto nya di ko gagalawin. may hinahanap ang dila ko na di ko maexplain. may cravings pero di specific, tapos madalas malagnaw ang laway.. yung parang anytime masusuka ako kahit tubig lang ininum ko #SendHelp!
Đọc thêmSame tayo mii. Ang hirap talaga pag sobrang selan ng pagbubuntis. Dati paborito kong kainin is yung nilagang itlog at yumberger ng Jollibee, ngayon naamoy ko pa lang nasusuka na ako. Hirap pa tuwing umaga kasi nasusuka, pero wala naman maisuka. Minsan kulay dilaw na laway na nasusuka ko, ewan kung laway pa ba yun. Hahaha pero laban lang, importante okay si baby.
Hi, I'm a first time mom din po. Wala din akong morning sickness, as in never ko na experience magsuka sa umaga or kahit sa hapon or gabi. Ang naramdaman ko lang is sobrang sensitive ng pang amoy ko, ayoko ng amoy ng chili oil pero kapag may naamoy naman ako hindi naman ako yung pupunta sa cr para sumuka. Wala din pala akong gana kumain nung 1st trimester.
Đọc thêmsa 1st month ko wala akong naramdaman. nagsimula na pregnancy sickness like pagsusuka, sakit ng ulo, sensitive sa amoy nung 6weeks na. Swerte mo po kung hanggang matapos pregnancy mo wala kang maramdaman na morning sickness haha. Kung confirmed nman yung pregnancy mo wala kang dapat ipag-alala as long as walang pgdurugo, masakit sa puson
Đọc thêmNagpa ultrasound na po ba kayo, confirmed na ba intrauterine pregnancy? Kung nawawala nman yung sakit normal po kasi nagpprepare po yung uterus para sa growing baby pero kung hindi nawalala or may kasama ibang sintomas could be something else. Consult your OB.
Same here, 13 weeks preggy ako ngayon pero wala rin akong nararamdaman na morning sickness or any cravings. Kaya nung una nagduda ako kung buntis ba talaga ako kase wala akong nararamdaman😅😅Pero nung nagpatransv na ko ayon okay naman yung baby 171 bpm heart beat. Sa tubig lang ako may problema kase ang pait ng lasa ko sa tubig😅
Đọc thêmOpo, depende, case to case. Nag jjumprope pa ako non akala ko hindi ako preggy. Nung nag delayed na ako ng 2 days (regular kasi mens ko) nag pa check up ako. After ilang weeks ayan na ang nausea. (hindi ko sinabe morning sickness) hahaha kasi maghapon ako nagsusuka 😂😂😂
Ako nun nagsimula nun 3 months na tyan ko e. Pero di ako naduduwal o nahihilo, Malakas lang pang amoy ko haha. feeling ko lagi may nagsisigarilyo kahit wala naman. Saka diko kaya inumin mga vitamins ko nun.
Normal lang po. I was also like that during my first pregnancy. The whole first trimester, no morning sickness or anything. As long as ok ang development ng baby, don't worry.
same mag 13weeks nako sa huwebes walang morning sickness ☺️ at di nababahuan sa mga amoy na naamoy natin ☺️ swerte tayong mga walang morning sickness mommy ❤️
ako momsh 9weeks and 1day na pero wala parin akong nararamdaman na morning sickness and 1st time mom din ako, almost 9years na kami ni mister pero ngayon lang nakabuo
Preggers