Too Emotional 😢

Hi po mga sis, share ko lang po. Masyado po talaga akon g emotional ngayon 34 weeks na po ako. Konting away lang po namin ng asawa ko, umiiyak na ako. As in grabing iyak po, minsan ng ooverthink din na baka di nya na ako mahal, palagi ko kasing inaaway, at di ko din alam bakit inaaway ko siya. Baka nabbwesit na siya sa ugali ko. Noong di po ako buntis, hindi ko nman po siya inaaway. Masyado na din po akong selosa 😢 Kanina nag away naman po kami sa simpleng bagay lang, grabe po talaga iyak ko, mga isang oras din siguro 😭😭 Ng sosorry din ako kay baby kasi umiiyak ako, baka mapaano siya. Ano po magiging epekto nun kay baby? 😢 Alam ko, kapg malungkot ako, malungkot din siya. #advicepls #pregnancy #tooemotional

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Been there mi during my 1st tri. Palagi akong umiiyak pag nagaaway kami kasi yung asawa ko pumapatol sakin pag simpleng bagay nagagalit ako sakanya. Until I talked to him and niremind ko sya na heightened ang emotions ko dahil buntis ako. Humingi din ako ng pasensya sa kanya and asked him na makinig lng sana sya pag nagvevent out ako kasi sya ang other half ko. Since mature naman si asawa at mabait, naintindihan namn nya ko and so far di na kami nagaway uli. Naririndi nalang din talaga sya dati s mga pangaaway ko kaya inaaway na din nya ko. Sa part ko naman din, inappreciate ko talaga yung improvement nya kaya masaya kami ngayon. As for your baby, nafifeel lang din nya ang emotions mo. Pero yung risk sa pregnancy I guess is wala na since 34 weeks ka na. As much as possible mi, magtulungan sana kayo ni hubby mo para maenjoy nyo ang pagpapalaki kay baby sa loob ng womb mo.

Đọc thêm
2y trước

Thankyou mi. Naiintindihan niya naman dahil buntis ako, at siya na din mismo ngsosorry kahit ako yung nang aaway sa kanya kasi grbe iyak ko. Siya na din mismo nagsasabi na tama na away kasi baka mapano daw si baby. At alam ko di naman siya ganun nung wala pa si baby kasi ma pride talaga siya. Hehe