Nabuntis sa Withdrawal Method?

Hello po mga sis. Ask ko sino nabuntis kahit withdrawal method? Nabuntis kasi ako dahil dun kaso hindi naniniwala bf ko kasi di nya naman daw pinutok sa loob kaya eto single habang preggy 🤧

35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Best friend ko po ganyan. Once lang may nangyri sa kanila ng first bf nya at first time nya un. Withdrawal daw ginawa nila pero nabuntis sya. Ayaw maniwala ng lalaki dahil nga daw winithdraw nya. Paglabas ng baby kamukha ng lalaki. Ayaw pa din maniwala. Hinayaan namin for 4years hanggang sa nakapag asawa ng foreigner ang best friend ko at May pera na sya, ginastusan nya pagpapa paternity. Ayon confirmed ang dna, anak nga ng lalaki. Sad to say wala na ang inaanak ko ng gusto na sya makasama ng mga lola at lolo nya sa fathers side. Namatay si bless sa cancer sa utak. Nakakaawa ang bata 😭 bwisit na ama yan.

Đọc thêm
2y trước

pwede po malaman ano naging cause ng cancen sa brain ni baby?

Thành viên VIP

used to do the withdrawal method even with my ex partners. i never got pregnant with them, i only got pregnant with my present partner and currently i am 8 months preggy, try to talk to your partner kasi hindi naman basta basta sex lang ang ginawa niyo, you made love with the person you want to spend the rest your life with. so sana magpaka lalaki rin sya and maging responsible sainyong dalawa as his own flesh and family. don't overthink po!!! ❤️

Đọc thêm

mommy kung ayaw nya maniwala sau hayaan mo lang cya.mahalaga alam mo sa sarili mo kung cno ang tatay ng magiging baby mo.cya nawalan d ikaw kamo. isa pa bka palusot lang nya yan para makaiwas s obligasyon,pwes pakita mo s knya kaya mo gampanan ang pagiging mommy at daddy kay baby.hayaan mo lang cya atleast may baby ka🙂🙂😘.enjoy mo.lang ang motherhood journey keep safe

Đọc thêm
2y trước

true, blessing in disguise ndn na hndi na kayo dhil irresponsable sya u deserve better momsh focus k nlng sa mgiging baby mo wag mo n icpn ung pakboy n yun

Luh, kaya maraming nabubuntis ng hindi inaasahan eh. Kulang kasi sa sex education 🤦 Pre ejaculation pa lang tas natapat pa fertility window boom buntis 😆😵 Never naman naging form of contraception ang Withdrawal 🥴 Siraulo yung jowa mo. Baka iniisip nya may ibang nakipag-ano sayo kaya ka nya iniwan very wrong. Yamuna na sya makakarma din yun or baka di ka talaga nya mahal kasi di ka nya pinanagutan 😢

Đọc thêm

yes, may tinatawag na premature ejaculation, meaning may semen na lumalabas sa kanila ng paunti na hindi pa yun yung pinaka-nilabasan sila. pede ka mabuntis dun. sabihin mo sakanya tinuturo yan nung highschool. wag syang bobo. tangang tanga nya. maalam imiyot simpleng reproductive system hindi alam. ganan ang klase ng lalakeng hangal. stay strong sayo girl. walang kwenta nakabuntis sayo.

Đọc thêm

basta kasi ako naniniwala na kung para sayo, para sayo. if binigay na ng taas yung bata even if withdrawal method pa or sa loob it doesn't matter. what matter is alam ng itaas kung kelan nya ibibigay yun. may iba nga mag asawa hindi withdrawal method pero di mabuntis. kaya hindi yun naka base dun.

madami talagang lalake na mangmang sa ganyan. magaling lang sa tira ng tira pero hindi ineeducate yung sarili sa consequences ng actions nila. Madami ako kilala na nagyari yang ganyan, nabuntis sila dahil lang sa pre cum ng lalake. as long as my live sperm dun kahit ganu kakonting patak pa yan pwdeng makabuntis.

Đọc thêm

Yes mommy. Ako din po nabuntis na withdrawal method. Nag tanong yung bf ko dati at nag taka din pero kwenento din ni mama ko sakanya na nabuntis din daw siya sakin na witgdrawal method din sila papa. Hayaan mo siya mommy mga ganyan na lalaki di yan dapat iniisip. Ituon mo sarili mo sa magiging baby mo.

Đọc thêm

Well effective naman samin ng asawa ko ang withdrawal method. Yon na ang ginagawa namin for 7years until napag usapan nga namin magbaby and ayon sureball agad ang pagbubuntis ko. Nasa technique ng lalaki yan kung paano niya nacocontrol. Pero may kasamang dasal talaga dapat ang withdrawal hahahaha

😂shuta wala tlga ako tiwala sa withdrawal , nyeta na yan isang beses nalang kami magtalik ng asawa ko sa isang bwan nabuntis pako 🙄, d tlga safe sis withdrawal kahit kanino ka magtanong na midwife ,,,, kasi may unat unang lalabasan ang lalaki bago ung pinakarurok nia😅