Any tips and suggestions po, thank youuu po🩷
Hello po mga mommy🥰 Any advice naman popara hindi mahirapan manganak firstime mom po ako at laging nasa bahay lang. Salamat po malaking tulong po ang mga sagot nyo. 35weeks and 4days pregnant po ako.
Hello ako din lagi lang nakaupo since naka wfh ako nun. Ang ginawa ko lang ay light walking, mga 10 mins lang kasama mga dogs. Tapos nung 36 weeks bigla akong nagkaroon ako ng surge of energy, sobrang sipag ko, lahat pati bedsheets and comforters nalabhan ko. Tingin ko natagtag ako nun. 38 weeks ginagaya ko naman exercises sa youtube. After 2 days ng panggagaya ko, naglabor at nanganak na ako. Yung exercises lang na kaya ko ang ginawa ko.During labor, nakahiga, minsan nakaupo lang ako. Hindi n ako naggalaw galaw kaya may energy ako sa pag iri. Sa pag iri naman, pag naramdaman mong humihilab na, hingang malalim tapos iri na para kang tumatae ng tubol, at naka closed yung mouth. As in ganyan lang hanggang sa lumabas si baby. Naka 3 or 4 na iri lang ako. Pero yun ay yung experience ko, hindi ka pa sure sa mangyayari kapag actual na nagle labor kana. Madami pa kasi pwedeng mangyari. Pwedeng maliit ang sipit sipitan, hindi kaya ilabas ang baby kaya nac cs. Yung iba naubusan na ng panubigan hindi pa din tumataaa ang cm or hindi nahilab. Madaming factors talaga. Isa lang pinaka importante dito, stay healthy at wag magpapadala sa kaba. Yun kasi nagdudulot ng problem. Wag ka din manunuod ng videos ng mga nanganganak, mas makakadagdag kaba lang yun. Pray lang tiwala sa sarili na kaya mo yan.
Đọc thêmSame lagi lang din ako nasa bahay nung nagbuntis ako. nagpatagtag lang ako nung 37 weeks na ako. kaso wala pa din nangyare haha. ginawa ko na lahat ng stretching at pag tuwad tuwad pero closed cervix pa din. inabot na ako ng 41 weeks kaya ayun induced labor. siguro kulang ako sa exercise kahit bago pa mag 37 weeks. as in hilata lang talaga kasi ako sa gabi after work. WFH kasi ako e so basically nakaupo lang ako ng mahabang oras pag daytime. dapat yata galaw galaw din stretching din at walking ng konti para medyo banat ang katawan.
Đọc thêm