crying preggy

hi po mga mommies, sino po dito seaman yung partner? too pala yung super hirap mag bf nang seaman lalo pag buntis ka, ung need mo xang mkausap kaso wala xa dahil walang signal or f pag may signal kelangan saglit lang cguro mga 15 mins maximum kc pagod at need nya magpahinga, need q lang po sana nang kausap dahil sa problem q, nasasaktan na kc aq d2 sa poder nang family q kc ayaw nang kapatid q ung bf q dahil seaman lolokohin lang daw aq, walang seaman na hndi gumagamit nang ibang babae, gusto nya hindi kami ikasal at mghiwalay kmi dahil dapat foreigner aasawahin q para mayaman agad, nung una knakaya q pa na every vchat nmin ni kuya iniinsist nya yung about sa foreigner, at nagsend pa xa nung post na hndi dapat magpakasal dhil nabuntis, at yun clinarify q sa knya na nagpropose na c bf nang kasal, plan na talaga nmin magpakasal nung bkasyon nya kaso tinawagan kc xa na pasampahin na agad kaya postpone, at d nmin inexpect na may baby na palang naboo, dun q na nlaman nung nasa barko na xa until umabot ung time na hndi q na kinaya at napaiyak aq at d muna pinansin ung chat nya for 2 weeks, after nun nagchat na aq sa knya dahil nwala na yung sama nang loob q, pero seen zone lang nya, tapos kahapon chat q sana xa ulit kaso blocked na pala aq, sobra nsaktan na nman aq at dun na xa nagchat sa mama q na masama daw loob nya sakin dahil d aq nagchachat sa knya, which is d nman totoo kc nagchat na aq sa knya xa ang nang deadma, mama q nman dun pa panig sa kanya.. plan q sana bumukod mga mommies, sa tingin nyo kakayanin q ba mag isa hanggang sa manganak na aq? kaya q kayang alagaan c baby mag.isa, confused talaga aq mommies after 3 mos leave sino na magbabantay sa baby q, pwde q kaya xa isama sa office? pls need someone to talk to.. need advise :( tia

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi, seaman din asawa ko. Parehas tayo, nalaman ko na buntis na ako nong nasa barko na siya. Mahirap talaga first time ko din magbuntis ng walang asawa sa tabi. Parehas tayo din na gusto ng bumukod, kaso wala naman makakasama sa bahay kahit mas masaya sa feeling ng nakabukod ka. Wag mo pansinin kuya mo. Bat ba sya nangenge alam. Okay lang na mag advice sya pero to the point na nanghihimasok na sya is a big NO. Tsaka sana wag na rin mag isip bata yung asawa mo na dinededma ka pa, may mas malaking bagay dapat kayo na iniisip which is yung pagbubuntis mo at yung baby. No more time for block block na yan dapat. Nanganak din ako ng wala siya. Dun ako sinaniban ng immaturity 😅 Di ko sya pinapansin nung mga 1-2 days after ko manganak..si mama ko lang nag uupdate sknya lagi. Kasi ba naman nakaka asar diba buong pag bubuntis at hanggang sa nanganak ka wala pa rin sya. Tapos iistressin ka pa. Well ganon talaga. Utus utusan mo na lang pagbaba. Hahaha. About sa you panloloko, its up to you din kasi. Ikaw lang nakaka kilala sa partner mo. Maniwala ka na lang sa karma mommy. Yan yung mga bagay na wala kang control. Di mo maccontrol kung mambabae siya. Ipagpasa diyos mo na lang yung mga ganyang bagay.. Ako rin di maiwasan mag isip ng ganyan buong pagbubuntis ko, kaya hindi maganda naging effect sa baby ko. Kaya mommy wag ka na magpa istress, I've been there and hindi maganda naging epekto ng STRESS sa baby. (Twins sana baby ko, the other one didn't make it and the other one is still in NICU).. Be calm at positive lang. Kahit wag mo na isipin ibang tao kung STRESS lang ang dulot sayo. Sarili mo n lang at lalo na baby ang ipriority mo. Lesson learned ko din yan.

Đọc thêm

Di naman porket Seaman manloloko. Daddy ko seaman sya since grade 1 ako (6 years old ako) umaalis na sya. Once a week lang namin sya nakakausap or minsan wait pa namin makalaot barko nila. Pag may signal saglit lang talaga namin nakakausap kasi nga need matulog. Mahina loob ng mga lalaki compare sating girls. Wag mo pasamain loob ng BF mo lalo ma magisa sya wala syang nakakausap na pamilya malungkutin, lahat asikaso nya pati sarili nya. Iwas namin stress sa dad namin ag may problem kami dito sa pinas kasi baka kung ano gawin nya pag nalaman nya problem namin.. Sinasabi lang namin pag naresolve na. Nakagraduate kami ng kuya ko 2017 di na sya sumampa ulit pahinga na sya dito sa Pinas 17 years nagbabarko Dad ko di naman nasira relasyon nila ng Mommy ko. Lalo na't may pamilya na kasi silang binubuhay di naman single lang Asawa mo andyan ka na at anak nyo☺ pray lang lagi. Wag mo pansinin Kapatid mo. Ganyan din tito ko sa Mommy ko para daw maging American citizen si mommy at madala kami noon sa america pinag aanullment si Mommy saka daddy ko ang reason daw kunyari kasi nagbabarko di nagpapadala samin (kahit hindi totoo) magpakasal daw Mom ko sa foreigner. Galit na galit Dad ko di na pinansin tito ko 😂 simula non tinigilan na ng tito ko mommy ko sa mga kabaliwan nya pinaghihiwalay Mom at Dad ko

Đọc thêm

Ako momsh, paalis na dapat ako para magwork ulit abroad kaso nalaman ko na buntis ako, so hindi natuloy ung pag alis ko.. si hubby naman, abroad din nagwork so hindi ko siya nakakasama ngaun throughout pregnancy ko.. ang hirap nang magkalayo kayo ng hubby mo, ung gusto mo siya lagi kausap pero hindi pede, ung miss na miss mo na siya kaso wala kang magawa.. so naiiyak lng din tlga ako everytime pero be strong momsh para kay baby, bawal magpa stress! Then in regards sa situation mo, somehow ganyan din sakin ngaun.. on my part naman, its my dad na ayaw dun sa hubby ko at galit sakin kasi di ako nakaalis para mag abroad ulit.. nagaway na kami ng dad ko so i decided na umalis dun sa bahay at nandto ako ngaun sa grandparents ko.. kesa naman mstress at mahighblood lng ako lalo dun! Advice ko momsh, go somewhere na meron ka makakasama..ang hirap magbuntis, ang hirap kumilos magisa, tapos xempre kung ikaw lng magisa, isipin mo sino maglalaba ng damit mo, sino uutusan mo bumili ng kung ano ano, saka lalo na pag may emergency sino makakasama mo.. ask your partner baka meron kamag anak na pde dun ka.. Be strong momsh and pray lng na malalampasan natin lahat..❤

Đọc thêm

Before kami magpakasal ng asawa ko, nagwowork siya sa cruise ship kaya sobrang relate ako sayo. May mga times na kakasampa niya lang sa barko, umabot ng 3 days bago siya magparamdam dahil sobrang hirap at sobrang mahal ng internet dun. Nung nakabili siya ng internet, limited naman yung oras na pwede siyang gumamit at need tipirin kaya sobrang hirap. Buti may kasamahan siya nun na na-hack yung paid internet kaya nakausap ko na siya ng matagal tagal. Ang payo ko lang, pang matatag talaga ang LDR. Kailangan buo ang loob mo. Hindi lahat ng seaman ay babaero. Actually bago sila umakyat sa barko, may seminar pa nga about sa unsafe sex. Kung kilala mo ng maigi ang partner mo, magtiwala ka lang sa kanya. For sure mahirap din sitwasyon nya at namimiss ka niya lalo na magkakaanak kayo. :) Dedma sa kuya mo. Kung gusto niya yumaman, magtrabaho siya at magtigil sa kakareto sayo. Hindi lang pera ang essential sa isang relasyon. Goodluck to you, mamsh. Kaya mo yan. :)

Đọc thêm

Meee po,nsa barko c partner nung nlman ko po na buntis me. Mhirap tlga lalo na pag wla cla signal khit na gus2ng gus2 mo kau mgchat, ang gngwa ko po ngsesend prn me mga message pra pg my signal cla mbsa nia hehehe khit late na rep. Lately lng po 2 weeks kmi wla pansinan as in, nainis po ako sa knya ( kasalanan ng hormones ng mga buntis, pra praning lng na paiba iba ang mood, hehehe ) pro cia rin ang una ngchat. D nmn po lahat is Seamanloloko, partner ko po sobra tiwala ko sa knya at alam po nia mga ayaw ko kya un tlga ang iniiwasan nia ung msktan nia kalooban ko po. Tska kilala ko po partner ko d cia seamanloloko, bahala cia sa buhay po nia pag ngloko cia dna nia kmi mkkta ng anak nia. Puro Vcall at send pics gngwa ko lalo na request nia dhil LDR khit want nia kmi mksma d nmn po pwede. Bsta tiis2 lng momshie:) Yaan mo kuya mong ewan, xia pkasal sa poreyner hehehe😂

Đọc thêm

Meee. My hubby is a seafarer, pero pareho kasi kami kaya alam ko ung way of living sa ship and kilala ko na rin halos nakakasama niya sa work. Well, totoo talagang mahirap ang communication pero tiwala lang po and understand their effort kapag nag oonline. Ang mahal po ng internet sa ship sobra. Per minute po ang andar ng wifi dun. At kung lalabas man ng port para magwifi,sobrang sakripisyo po un ---iba po kasi sa ship. We work 11hours++ a day, though well compensated naman. Pero kailangan minsan alagaan ang health. Samin po ni hubby, ako mismo nag iinitiate na matulog na siya. We use viber kasi freechat... kahit pano incase of emergency we can still chat each other. Nasayo po kung pagtitiwalaan mo partner mo at kaya mo po ang LDR. At regarding sa kuya mo, hindi po sila ang magdedecide --- IKAW.

Đọc thêm

Ganito nalang sis, mag paganda ka husto.wagkang nagpapa losyang para di ka palitan. Kasi ,d sa sinisiraan ko mga seaman kaya lang kuya ko seaman. Apprentice pangalang sya marami na syang babae na ka chat. Kahit may gf sya 5yrs na ata sila tsaka nandito din ako na babaeng kapatid nya di man lang nya inisip. Ganun siguro pag maraming temptasyon..ma tetemp talaga kasi mapapasok sa isip nila na 'biruin mo? Grasya na ang lumalapit sa kanila' . Refer ko sa mga barko na may pinapaakyat na mga babae or every deport nila may mga magagandang foreigner na mag tetemp sa kanila. Kaya yun, paganda kanalang. Tas palagi mung sasabihin na mahal mo hubby mo, na sana di sya mag loko..ganun nalang hehe

Đọc thêm

Di lahat ng foreigner mayaman. Asawa ko foreign pero di mayaman. Cguro kpag matanda at retired na may mga pension, yun mga mayayaman. Also, hindi ka nmn magbubuhay prinsesa kung foreigner asawa mo lalo na at sa culture nila hati kau sa gastos, 50-50.. kaya nga mga babae dun sa ibang bansa independent, may trabaho dapat. Sabihin mo yan sa kapatid mo.. at wag mo xa pinag-iintindi.. dun ka sa taong mahal mo at mahal ka rin nya. Sa tingin ko rin, dapat may kasama ka lagi at hindi dapat nag-iisa ang mga buntis, ung kapatid mo ang pabukurin mo, matanda na xa.

Đọc thêm

Dear, ang husband ko chef sa cruise ship before... ang hirap ng hiwalay sa kanya lalo na ang daming temptation, pero magtiwala ka sa kanya..and most of all pray...ngayon dyan sa baby mo di mo kakayanin mag isa..need mo ng support ng family mo since wala pa si partner mo..mahirap...oo masakit na makarinig ng kung ano ano pero isipin mo si baby...mag iwan ka ng message kahit offline sya kasi communication at trust ang foundation ng ldr lalo na at ganyan situation nyo. Goodluck

Đọc thêm

sobrang salamat po sa mga payo nyo mommies, nkakagaan nang loob.. appreciated q talaga yung replies nyo, pcnxa na talaga, wala kasi sgnal c bf kaya dito q nlang inexpress yung saloobin q.. d q nlang paiiralin pride q, alam q nman d madali mag isa lalo na pag bagong nanganak at mag alaga nang new born lalo na't 1st time, walang kaalam2x.. d nlang aq bubukod, lalo q lang palakihin ung gulo.. thank u again mommies.. God Bless po sa inyung lahat!

Đọc thêm