nanny

Hi po mga mommies. Saan po ba pwede maghanap ng magbabantay ng baby through online?

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag kayo sa online maghanap mpmsh baka maka tsamba ka ng mga halang ang kaluluwa nq mabait lang kapag anjan ka at pag alis mo e pinababayaan lang anak mo and worst sinasaktan .. mas okay siguro if kamag anak or kakilala mo yung katiwa tiwala para sa safety ng anak mo

Thành viên VIP

Problema ko din to pero ndi aq nagtatry maghanap online, kaya sacrifice aq na sa province mga anak ko at aq nalang umuuwi para bisitahin sila, mga kapatid q nag aalaga sa mga anak ko, una wala ako tiwala sa ibang tao at nakakatakot na panahon ngaun.

wag na wag ka po kukuha ng kung sino2 lang, dami ng nababalita gnyan n nagnanakaw, nanloloko or worst nanakit or nangunguha ng bata..much better po kung kilala mo mgbabantay at mpagkakatiwalaan

Thành viên VIP

Naku wag magtiwala sa online ma. Mas better kakilala nalang. Maglalambing na din ako ma. Pakivisit naman po profile ko tapos paki LIKE naman po yung photo na naupload ko po. Thank you po🥰

Kakatakot po ipag katiwala ang baby natin sa hindi natin kakilala lalo silang dalawa lang lagi naiiwan sa bahay...mas ok siguro kong kamag anak.. Haisstt hirap talaga maka hanap ng yaya...

May mga agencies kaso minsan palpak din recruit nila. Mas sure po kayo na safe si baby pag kakilala or kahit mga trusted na mga kapitbahay or referrals nila. Ingat ingat mamsh.

Thành viên VIP

May mga facebook page po para sa mga naghananap ng yaya or kasambahay pero not highly recommended kasi walang formal process, diskarte nyo nalang po kung paano kayo pipili.

Influencer của TAP

Mas ok po ata na kakilala na lang. Kasi sa online baka kidnapper pa makuha mo. Kasi kahit sa mga agency nga may nakakalusot na mga masasamang loob eh. Online pa?

Naku mahirap Yan momshie..Kung nababalitaan mo sa balita ung mga ksambahay..hind ko nmn nilalahat..peo mas dun Tau sa mas safe c baby☺️

mahirap po kumuha ng nanny lalo sa panahon ngayon mahirap magtiwala dahil dami nagnanakaw or sinasaktan yung baby