First Timer!
Hello po mga mommies, first time ko po ma buntis at 1st baby ko po ito, 7 weeks and 1 day na po tyan ko. Sa 28 pa po sched ko sa prenatal at check up. Marami po akong tanong pero nahihiya po ako mag tanong, pero ngayon nilakasan ko loob ko na mag tanong. Nasugatan kasi ako kanina sa paa, marami po dugo lumabas, ayos lang kaya yun kay baby, wala kaya apekto yun?. Salamat po.