Hello po mga mommies. This is my first baby and I'm 4 months preggy po. Binigyan ako ng Iron+Folic Acid na gamot nung nagpacheck up ako. Nung pang second time ko na iinumin nalasahan ko siya and hindi talaga ganun kaganda lasa niya pati amoy. Ang tendency po e nasuka lang ako. Lahat ng kinain ko nasuka ko lang din.
Nanghihinayang po ako sa kinakain ko kasi nung uminom ulit ako the next day ganon po ulit nangyari. Sinusuka ko lang at nasasaid yung laman ng tiyan ko.
Any advice po na pwede gawin or iron+folic acid na okay yung lasa? Gusto ko din po kasi ibigay yung vitamins na kailangan namin ng baby ko.
Thank you po.