ayaw uminom ng gatas 10 month old baby

hello po mga mommies, ask ko lang po sana if may naka experience ba dito nga ayaw na uminom ng milk yung 10 month old baby? mixed feed kasi si baby ko, ngayon ayaw na nya uminom ng formula milk, ilang beses na ako nagpalit ng milk. mas gusto nya dumedede sa akin pero kaunti nlng kasi yung breastmilk ko pero kumakain naman sya ng solid foods nilalagyan ko nlng ng formula milk yung pagkain nya. okay lang kaya si baby mga momsh?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

try nio sa sippy cup or cup. need pa rin ni LO ng milk for the calcium for bone development. nagkaganyan ang baby ko dati. kaya kahit pakonti-konti, pinainom ko sa sippy cup or cup para maging interested sia at iinom sia. pero bumalik din sia sa bottle. try nio rin lagyan ng interval ang milk at solid food. ganun ginawa namin kasi busog pa pala si LO sa alinman sa 2 kaya kung every 4hrs ang milk, after 2 hours namin sia pakakainin after ng milk.

Đọc thêm