Hirap matulog ng naka-side kasi magalaw si baby
Hi po mga mommies. 23weeks preggy here. Sino po same situation sakin na pag natutulog ng nakaside masyadong magalaw si baby? Kaya nagwoworry ako na baka di sya comfortable sa sleeping position ko? Left man po or right side ganun din. Kaya madalas nakatihaya nalang ako then ayun behave na sya pag ganun position ko matulog. May tatlo po akong unan, isa sa ulo, isang yakap sa body tsaka isa between legs. Sa left side po talaga ako madalas natutulog kaso recently nung mas active na si baby sa tummy nag iba na ko ng sleeping position dahil galaw din sya ng galaw pag naka side ako. Naiiipit po ba sya pag naka side kaya parang magalaw sya? First time mom po ako. Salamat po sa mga sasagot.
Dreaming of becoming a parent