Ultrasound results.

Hello po may mga midwife or nurse, doctor po ba dito? Or may knowledge sa pagbabasa ng ultrasound? Ask Lang po sana ako kung risk po ba ang pagbubuntis ko sa second baby ko. Pinayuan po kasi ako ng doctor sa center namin na mag bedrest baka may chance daw kasi na makunan ako. And pag may spotting daw ako diretso emergency na daw po agad ako, yung narinig ko yung word na Baka makunan ako, hindi na ako nakapag salita sa sobrang takot. Kaya nakinig na Lang ako sa doctor at pag tapos umalis na agad ako. Parang lutang Kasi ako at the moment. Ngayong naka bedrest ako parang ang bigat tuloy ng pakiramdam ko dahil lahat ng tanong ko di ko alam ang sagot. Tapos January 9 pa ang next checkup ko. Please answer me. Pero may plan ako mag pa second opinion. Thanks sa magcocomment. Guide me mga mommies I'm 28 yrs old. 13weeks pregnant. Advance thankyou mga mommies ❤️ #AskingAsAMom

Ultrasound results.
4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganyan din SAKIN sis, pero Hindi Ako nag spotting,sa loob Yung pagdurugo, last check up ko Nung Friday, and thanks God wla na daw yung subchorionic hemorrhage,wag ka mag pagod,ok lang namn gumalaw galaw, Sabi ng ob ko,

2t trước

okay na po ako sis, okay na Yung results ng ultrasound ko no more bleeding na sa loob.

same tayo mommy ganyan din ako ngayon. inadvised ako ng ob ko na magbedrest for two weeks, then pinagtake po ako pampakapit. rest lang, iwasan po magpagod at mastress and take lang yung meds at vitamins na reseta ng ob

4t trước

wala po ako reseta na gamot para sa pampakapit. nag pa second opinion ako may ultrasound na pinapagawa sa OB-SONOLOGIST daw ako pumunta.

dahil po siguro sa hemorrhage na nakita.. kaya medyo maselan.. sinearch ko lang din po sa google.. no intercourse and iwas daw po sa pagbubuhat ng mabigat.. 🙏

Post reply image

Much better po kung sa OB-Gyn po kayo magpa check up since may subchrionic hemorrhage po kayo para mabigyan kayo ng meds like pampakapit kay baby.