Baby movement
Hi po mga mi, 31 weeks na po ako and napansin ko po na parang nagless ang movement ng baby ko. Although, sa isang araw may nafefeel naman ako na movement pero yon nga less siya kumpara noong nakaraang weeks. Worried lang po ako. Any thoughts po mga mommy.
nung pumasok ang 29 weeks ko ganyan din ang na notice ko. pero pagka 29weeks 4days balik na ulit sya sa pagiging malikot. simula nung na notice ko yung ganun sa tuwing gagalaw sya tinitignan ko na ang oras ng pag galaw nya at binibilang ko na palage kung ilang beses sya gumagalaw sa oras na yun.
yan din ang worry ko noong katapusan mi, as per ob ko naman is normal lang daw yun at possible na tulog lang si baby. More on tulog na sila kasi kapag 29weeks pataas pero mas ok na imonitor mo siya then observe mo if whattime siya active. Try using doppler din para less isipin.
importante gumagalaw si bebe 1 hour after natin mag take ng meal. mas ramdam ko ang galaw nya sa gabi before going to sleep kapag baka off na ang ilaw.
if worried ka mi, go and check with ob na. pero try mo kumain onti ng sweets, gagalaw naman yan sya or baka nagkataon na natutulog lang sya.
Same po, pero nagpa check up ako as per my ob ok naman basta na fefeel pa din si baby, pag di talaga nagalaw tutukan daw ng sounds sa tiyan.
same mii saken kasi naka anterior placenta kaya less movement si baby ko pero panay naman nagalaw yun nga lang mahina lang