Mommy, yung supply po kasi ng breastmilk natin nakadepende po sa demand ng baby. Nung 1 week po na hindi nakapag dede sayo si baby nagsignal po ito sa katawan mo na hindi kailangan yung supply ng gatas kaya humina.
And everytime na ifo-formula po si baby, another missed chance po yun para sumuso si baby sayo, magsisignal na naman po yun na hindi gaano kailangan yung breastmilk, hihina po lalo ang supply.
I-unli latch mo po si baby, or feed by demand. Kapag lagi na po sumususo sayo si baby, magsisignal ito sa katawan mo na kailangan ng katawan natin magkeep up sa demand ni baby, dadami ang supply.
Pero aside from that may ibang factors din kaya humihina ang supply, like stress and hormonal imbalance.
Anonymous