NASABUGAN NG KALAN , 34 WEEKS PREGNANT.

hi po mga mamsh , SHARE KO LANG PO STORY KO, november 12 , 2019 5pm, kakatapos lang po gawin ung build in na kalan sa bahay namin so, excited po akong magluto kase kakagawa lang po ng bahay namin, nagluto po ako ng pork steak, habang nagluluto po ako nakapansin po ako sa kalan na parang may kakaiba po kase may part na umaapoy sa labas ng mismong labasan ng apoy , nung tapos na po ako mag luto papatayin ko na po sana ung kalan pero sinauli ko muna ung mga toyo sa lalagyanan nakatalikod napo ako sa kalan nakita ko sa gilid ng mata ko na umaapoy napo ung gilid ng misamong kalan as in ung pinaka gilid nya ung mismong dulo ng nakadikit sa lababo, patakbo nako kaso 2 steps plang pumutok na po ung mismong kalan. aircon type po bahay namin, so kulob na kulob po sya, basag ung salamin ng bintana namin na build in den, halos lumabas po sa kalsada namin ung aluminum door po namin natanggal mga pintura ng kisame namin na medyo nag crack, nasira ung exhaust fan namin sa cr. nasira ung door knob o lock ng pinto sa kwarto na nasa parteng sala namin, pero walang nabasag sa lababo namin, ung mga nakasabit na wine glass buo pa mga plato, oven ref na katabi mismo ng kalan buo pa , ung kalan buo pa pero ung cabinet sa baba ng lababo sira tumalsik din. ung husband ko po that time nasa sala ang bilis ng pangyayari mams imagine 2 steps lang layo ko sa kalan nung sumabog pero binti ko lang na apektuhan, nasunog ilang part ng buhok ko , nasunog kilay at pilik mata ko as in wala nakong kilay at pilik mata, tumakbo agad sakin ung asawa ko saka kami lumabas ng bahay , thank God po talaga kase di po naapektuhan si baby , pero nung dinala ako sa hospital sobrang nginig ko kase nilagyan ung katawan ko ng yelo, tapos naka aircon pako at nakatapat pa sakin ung electric fan kase sa pamamagitan nun nababawasan ung sakit, lapnos buong hita ko may 1st degree at 2nd degree burn. Grabi na nginig ko kase naghalohalo, takot, lamig dahil sa yelo electricfan at aircon, hapdi ng yelo, hapdi dahil sa paso , at init ng katawan dahil sa paso. as in ung higaan ko na nginginig dahil sa nginig ko. ung asawa ko palabas masok lang kase uung aso namin di ako iniwan sinamahan ako sa ospital kahit ibaba sya sa sasakyan tas biglang takbo ang bilis nya sumampa e emergency na kaya no choice . dala namin sya sa ospital , bawal aso sa loob ang ingay nya sa labas kaya pinuntahan sya ng asawa ko, ang kasama ko sa loob ng ospital is ung kapitbahay lang namin kase 2 lang kami ng asawa ko sa bahay, sumunod na ung mga ate ng asawa ko at tita ko . kaya natulungan nila ako . ung asawa ko taga takbo ng gamot o kung ano ang kailangan na short pa kami kase wala kaming dalang cash at nagmamadali na kung ano lang laman ng walet, buti nalang ung tita ko nagdala ng pera. chineck ung heart beat ni baby namin dalawang beses di makita , naiiyak na ko nun , pati din kase ako di ako makarelax . pag balik ng nurse pinalitan nya ung aparato nya pang heart beat ni baby . pinilit kong mag relax, ( pag nilalabanan ko ung nginig lalo akong nanginginig saka naninigas katawan ko, kaya ang ginawa ko nirelax ko sarili ko di ko nilabanan yung nginig nag inhale exhale ako un ang sabi ng asawa ko ) sa pangatlong beses . nahanap na ni nurse ung heart beat nya natuwa ako, inaayos na nung doctor ung mga sugat at paso ko pinunasan nya na ng ointment , naturukan nadin ako ng paracetamol pero di ko naramdaman, mas masakit ung paso ko, malamig ung ointment lalo na pag natapat sa hangin tapos pinatungan pa nila ng gauze pad na binasa sa pinalamig na suwero, kaya sobrang sarap sa pakiramdam pero matagal lang ang kilos ng doctor kase nag iingat sya , to the point na kausapin ko na sya na doc baka po pwedeng mag tawag po tayo ng nurse na tutulong sainyo, nagtawag na sya pati asawa ko tumulong na , nagdatingan na din mga ate nya at tita ko, patapos nako lagyan ng ointment at lagyan ng gasa , pagkatapos nun medyo natutuyo na ung gasa kase nakatapat sa paa ko ung hangin, kaya ang ginawa nila tita at ate binasa nila ng pinalamig na swero ung nakadikit saking gasa, sobrang sakit nya talaga na hirap din ako na tumayo as in nanginginig ung hita ko , 9pm nasa emergency na kami 1am naka uwi kami . nung tinanong ako ng asawa ko kung kaya ko ba na umuwi kami na di nakami magtagal sa ospital kase dis charge na daw kami sabi ng dictor, umoo ako kase iniisip ko baka kung ano pang sakit ang masagap namin ni baby since open wounds ako . umuwi na kami, pinagtitinginan ako ng mga tao kase wala nakong kilay tas tumaas pa ung hair line ko lalo kase medyo nasunog din ung noo ko , pero wala akong pakialam ang alam ko lang ligtas kami ni baby . malikot si baby kinakausap ko din sya , sabi ko sa kanya sige lang baby gumalaw ka lang iparamdam mo kay mommy na okay ka. naging kalmado ako. pag ka uwi namin malinis na ung bahay nalinis nung mga ate ng asawa ko . derecho agad ako ng higaan pero hingal padin ako tas medyo nanginginig kase sa lamig ng aircon sa bahay tapos pinatapat ko pa sa paa ko ung electricfan pero ang sarap sa pakiramdam naka gasa pako nun at medyo basa pa sya kse binubuhusan namin sya ng swero. pag ka alis ng mga ate nya pinilit ko na tumayo sa higaan kase nakakaramdam ako ng panghihina ,, naglakad lakad ako sa loob ng bahay nanginginig ako lalo sa electricfan kaya pinatay ng asawa ko lakad lang ako ng lakad, dumating na din ung mga byanan ko, galing sila sa candelaria, kami nasa san jose del monte bulacan , nabawasan na ung hapdi nya at ung nginig ko , mga 3am umalis pa sila tatay kase kumuha pa sila ng dahon ng saging kase di un mahapdi at di un dumidikit sa sugat, at malamig din sya . di na kami mahihirapan na mag lagay lagay ng swero dun sa gasa para laging basa at malamig, mga 4am nakatulog nako nabawasan na ung sakit, pero 3 hours lang tulog ko kase iinom ako ng gamot tas di nako nakatulog ulit. medyo masakit talaga sya . sabi nila miracle daw talaga na eto lang nangyare sakin kase 2 steps lang layo ko sa kalan at kung nakatakbo man ako papunta sa sala malamang nun talsik ako at mas malala mangyayare sakin , buti din di ko tinawag agad asawa ko kase sya naman ang tatalsik dahil papunta sa sala ung pressure, at miracle kase un lq lang din nangyare sa bahay namin, sobrang blessed namin , niyakap ata kami ni Lord para di masabugan upper body ko , ngayon po THANKYOU kay Lord kase po nakarecover napo ako. nag babalat na din po ung mga paso. pasama nalang po sa prayers nyo na sana po maging safe kami ni baby pag labas Thankyou ❤❤

NASABUGAN NG KALAN , 34 WEEKS PREGNANT.
177 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Niligtas po kau ni papa jesus mami😊 kc sa kwento mo plng tlgang impusible na hnd ka mapupuruhan duon dhil kalan po un pero thanks god gnyn lng po hnd kau npahamak mag ina

5y trước

Opo khit san pong anggulo tgnan😊 hnd tyo tlga pinapabayaan n lord khit minsan nkakalimutan ntin sya😊😊

Gagaling ka mommy 🙏🏻 babalik din sa ayos yang pretty face mo at skin mo. Importante ligtas kayo ni baby 🤗 thank GOD for saving you and your little angel 👼

Thành viên VIP

Salamat sa Panginoon at okey kayo ni baby.Yung mga gamit na nasira mapapalitan pa yun.Palagi kang mag dadasal mommy at relax lang po palagi.Tiyak okey si baby🙏❤

Thành viên VIP

god is good di niya kayo iniwan kahit kailan. kaya have faith in him sis. magiging okey na kayo ni baby mo. sana makarecover ka agad. will pray for you and your baby

5y trước

oo sis tama yan ganyan nfa

Thành viên VIP

halaaa c baby ang tunay na angel .. pero mamsh sana po kung kya nyo naman po na makalipat pa ng ibang bahay. kc di na po maganda para sa inyo na mg stay pa jan.

5y trước

sa bagay po kso po nkka trauma yun dba kung ako yun bka ayoko na pumasok sa bhay o bsta sa lugar na pngyarihan .. bt anyway npaka tapang nyo po 😊

iba talaga pag may pananalig kay Lord.. Godbless you and your baby mommy ang tapang nyo rin po at nakayanan mong di natrauma sa ganung pangyayari..

5y trước

opo. sa ngayon po nakakapagluto na ulit ako kaso po sa labas na po ng bahay at ubg asawa ko po ang nag oopen ng kalan. tas pag may naririnig po akong sumasabog o tubog sabog na a alarma po ako.

Thành viên VIP

Thank God you and your baby is safe. Mag induction cooker nalang muna kayo sis, takot din ako sa kalan that's why ayoko ng gasul sa bahay. huhuhu

5y trước

opo un po plano namin ❤️

Thank u papa GOD at d po kau pnbyaan ni baby mo sis,goodluck dn po sa panga2nak mo,pray ka lng lagi,wla tlgang impocble sa knya...gidbless u po

Thành viên VIP

Thank god safe kayo. May i just ask eto ba ung kalan na parang tempered glass?? What brand? Ganun kc kalan namin natatakot ako

5y trước

Nako same pa tau. La germania din samin pero ung tempered glass. Ano daw po cause ng pagsabog? Thank you for replying

Thành viên VIP

May God always protect u and ur baby, momsh! U are a strong woman and I admire you for ur courage. Godbless! ♥️