Pamahiin and freedom
Pa-rant po ng very light. Feeling ko lang po ba or kayo din? na parang wala na kayong freedom ngayong preggy kayo dahil sa mga pamahiin ng mga matatanda? dont get me wrong po, i respect them. pero parang lahat na ng kilos at kainin mo eh may comment sila. Bawal yung ganto, bawal yung ganyan. hindi naman maipaliwanag kung bakit bawal. pag sinabihan na hindi naniniwala sa mga pamahiin eh magagalit. Nawawalan po kasi ako ng ganang kumain or kumilos pag pinupuna. Pasensya na po, nagiging sensitive lang din siguro. Thank you po sa inyo.
Marahil nararanasan mo ang pangyayaring iyan dulot ng pamahiin at tradisyon na umiiral sa ating lipunan, lalo na sa panahon ng pagdadalang-tao. Mahalaga ang pagrespeto sa mga pamahiin at paniniwala ng iba, ngunit kailangan mo rin pangalagaan ang iyong sarili at pakiramdam. Importante na maunawaan ng iyong pamilya at mga kaibigan ang iyong nararamdaman at ipaalam sa kanila ang epekto ng kanilang mga komento sa iyo. Maaaring makatulong ang maayos na pakikipag-usap at pagpapaliwanag tungkol sa iyong damdamin upang maunawaan ka nila. Huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain at pagpapahinga ng maayos. Mahalaga rin na maging positibo at huwag masyadong magpadala sa stress at pressure na dulot ng mga komento ng iba. Maaaring makatulong sa iyo ang pagtuklas ng mga pamahiin at kultura ng ating bansa upang maintindihan ang pinanggalingan ng mga ito. Maaring rin magsagawa ng mga ritwal na magbibigay sa iyo ng kapanatagan at kalakasan sa panahon ng pagbubuntis. Habang pinapahalagahan ang tradisyon at kultura, mahalaga rin na alagaan ang iyong sarili at panatilihin ang iyong kalayaan sa pagpili ng tamang paraan ng pag-aalaga sa iyong sarili at sanggol. Maging positibo, palakasin ang iyong pagtitiwala sa sarili, at maging bukas sa suporta at kaalaman ng iba upang magkaroon ng magandang karanasan sa buong panahon ng pagdadalang-tao. Sana ay makatulong ang mga payo na ito sa iyo. Ingat ka palagi at magpakatatag sa pagtahak ng iyong pagbubuntis. https://invl.io/cll7hw5
Đọc thêmlabas lang sa kabilang tenga mommy wag ka po pakastress maapektuhan ang baby. mga lola po usually nagcocomment ng ganyan kahit ano nalang isubo naten na mapaglihian naten or may makita sila ililink po talaga sa pagbubuntis naten kaso wala po tayo magagawa sa iniisip nila mahirap po pagsabihan kahit nakakabingi na po
Đọc thêmWag magpaniwala, sabihin mo na sabi ng doctor pwede yung ganito, ganyan dahil ako lahat ng pamahiin sinunod ko sa panganay ko para kuno di mahirapan manganak ending 10 hrs parin akong naglabor. Sa pagkain meron din talagang mga bawala na pagkain sa buntis basta pag alam mong okay lang dedma na
Yes nasstress ako sa gantong pamahiin nato. Buti nalang nakabukod kami. Wala kaming kasamang matanda sa bahay kaya tahimik ang buhay ko. Minsan nakakatinig ako, umookay nalang ako pero hindi ko sinasagot at hindi ko din sinusunod. Respeto padin sa matatanda.
salamat sa lord dahil mula tinanggap ko sya sa buhay ko pinalaya nia na ako lalo s mga gnyang pamahiin. oo dpat irespeto mga matatanda pero wala pong tama ang pamahiin nila ni isa pansinin nio po puro negative lng ang dala ng pamahiin
Deadma lang mi, ako kahit anong sabihin nilang pamahiin kiber lang. Kakainin ko kung anong gusto ko at kung anong sinabi ng Doctor. Ayoko magpaka stress sakanila. 2025 na, sa Doctor nalang ako naniniwala ngayon.
nako mamsh makinig ka nlng pero labas na sa tenga ahahahaahah ganyan din kasi ako . baka mastress ka nyan mamsh huhu . gawin mo gusto mong gawin at alam naman natin mga mommy ano ung nakakasama satin
I feel you! Don’t mind them. Mag 2025 na ang dami pa rin talaga ganyan mag isip tapos pag tinanong mo kung bakit bawal “basta” lang ang isasagot sayo. Basta ok sa OB, go lang mhie.
sa doctor mo ikaw maniwala, paglabas pa ng baby mo lalo ka maiistress dahil mas madame pa yan pamahiin sa bata 🤣🤣🤣 bumukod kana hahaha
maldita ako mi, pag ginaganyan ako sinasabi ko kung ano yung tama, spitting science facts agad ganun. di ako nagpapatalo haha