Prayer For My 1st Baby

Hi po mga mamsh. ?? I'm a 1st time mom po. Nagpacheck up kami ni hubby kanina kay ob kase wala ako check up last month. Kaya ngayon may 6 nagpa appointment ako kasi nagtataka ako na sobrang laki ng tyan ko na para pong pang 9 months na at hindi na nawala ang manas ng paa ko last march pa ito nag start hindi ko naman pinansin nung march kase ok okay pa tyan ko hanggang sa lumobo na parang pang 9months na pero 7 months palang po ako ngayong may. Ang sabi ni ob umabot na daw po ang manas ko hanggang pempem kaya po pala parang may umbok na konti at malambot lambot ito yun po pala ay maraming water sa loob ng placenta ko na pwede daw po ikamatay ng baby ko or kung mabuhay man daw po ay may komplikasyon. ? Bigla nalang po ako nalungkot nun. Pero sa ultrasound ang likot likot ni baby okay naman daw po ako BP ko normal din naman daw po ang heartbeat ni baby at yung laki ay 29weeks medyo late po ng 1 week ung laki kase 30 weeks and 2 days ko lang po ngayon may 6. Bukas po, ipapalaboratory ako ni ob at ni hubby. Nag tanong na po kami sa ospital at ang bill po na sinabi nila is 10,000 lahat lahat na daw po. ? Nalungkot at nag iisip po ako ngayon mga mommy kung paano. Sana po isama nyo sa prayers ang Baby boy ko na maging normal at healthy sya. ???? Salamat po sa nag abala na basahin itong post ko. Gusto ko lang po I share sainyo mga mommy. God bless po sa ating lahat!! ???

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

prayers up 🙏💪☝☝

4y trước

Thank you po ❤️