I need advice for my situation..

Hello po mga mamsh gusto ko po sana makahingi ng advice sa situation ko ngayon.. Nasundan po kasi agad ang aking panganay. 2yrs ang agwat nila. Mahirap kasi ako lang mag isa mag aalaga sa mga anak ko. Iniisip ko palang sobrang nakakazombie isang toddler at isang new born.. Hindi naging successful ang pagbreastfeeding ko sa 1st baby ko kasi inverted nipple ko at wala din nagsupport sakin. Hindi ko kinaya kasi wala akong idea sa lahat at nagkasakit ako.. This time gusto ko po sana mapush talaga lalo na laking tipid at mahirap ang buhay ngayon dahil sa covid nawala ako ng work.. Sa mga may same situation ko ano po ginagawa nyo para kayanin ang pagpapabf. Iba po kasi talaga ang pagod ng pagpapabf lalo na ako di ako magatas noon sa 1st ko. Hoping mabigyan ng advice. Salamat#advicepls #pleasehelp

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello mamsh, ako pure bf mahirap talaga nangayayat ako nung first month ko pero pinush ko para kay baby. Almost 2 months din bago sya nasanay sa nipples ko kasi skin naman maliit nipple. Gumamit aki ng murang electric pump para lalong magopen ang pores ng nipple ko, inom ng maraming water, kain ng masasabaw na food at inumin ung malunggay na capsule as per my ob. Ilang weeks ko din syang pinagsikapan hanggang sa nashift ko si baby as pure bf na. After a month lakas na ng gatas ko at nakakapagstore na din sa ref. Going 5 months na kami ni baby 😊

Đọc thêm
4y trước

Nakakatuwa naman po yun mommy ❤️ salamat sa advice mommy. Hoping kayanin ko na talaga para makapagsave din kami