About labor
Hello po mga kamomsh, may tanong lang po ako 38weeks preggy na po ako, ngayon po nakakaramdam na po ako na para pong may sumisiksik sa pwerta ko tapos po sabay po yung paninigas ng tyan ko, sign of labor na po ba yun? Thankyou po sa sasagot.
Yes po. Contractions na po yung nararamdaman niyo. Paki observe na po yung time ng paninigas ng tyan niyo. Mag squat squat na din po kayo para mag open po kaagad cervix niyo po
Same here mamsh , Im 39 weeks and 2 days paninigas at may parang sumisiksik na si baby malapit sa pwerta ko. Hope mkaraos na po tayo #1sttimeMom
same here po 39 weeks and 5 days.. masakit na balakang, may parang sumisiksik na rin sa pwerta, parang sinusuntok tapos sabi ng matatanda mababa na raw ang tyan sana makaraos na po tayo with the Help ni Lord 💚 Safe Normal Delivery.
Queen of 1 troublemaking junior