Pahingi po ng konting lakas mga momies!
Hello po. Medyo mahaba to story ko. Im currently 15 weeks pregnant and this is my 2nd pregnancy. Kaso po, nasa may kapal na po ang first baby ko. Way back April 20,2015 po dapat ang due date ko kaso walang sign na manganganak ako that day. Kaya nag pa admit nalang po ako pag ka next day and turn out that my cervix is still close. Kaya nag decide po ang ob ko na induce nalang po para mag force labor. Normal naman po ang heartbeat ng baby. Ininsert po ng half ng medicine ko exactly 12nn. Pag ka 3pm po nag start na po sa pamanhid ng likod at tiyan. Pagka 7pm nag insert na naman po uli kasi di parin open. After 30 minutes po nag 2cm na po ako. Pero parang ang init po ng face ko. After few minutes half of my body felt itchyness na para bang sinusunog ako sa kati. Pinasok na po ako sa labor room kasi hindi nila ma syadong marining hearbeat ng baby. Arouns 12am po nag decide po sila ng emergency cs po ako. Akala ko po talaga ok la g po ang lahat. Patuloy po ang pag lalabor ko. Hangang sa nanganak ako ng around 3am pero hinang hina na talaga hearbeat ng baby kasi na inum na po nya ang water ko and halos umabot na po sa heart at lungs nya. Yun po ang cause ng pagkamatay ng baby. Wala po kaming magawa. Hindi pa po talaga ako handa sa pagbubuntis ko ngayon. Nag stop lang po kasi ako ng pills last June kasi mag papa overall check up lang po ako. Kaso last august nalaman ko na pregnant pala ako. Ok naman at super excited ako. Kaso ngayon po habang na feel ko na ang tiyan ko na lumalaki, hindi po maiwasang matakot ako. Umiiyak po ako kasi baka ma ulit po ang nangyari. Lagi po akong nagdarasal pero hindi ko alam bakit hindi maiwasan na malungkot po ako. Ngayon nga po umiiyak po ako. Ano po dapat gawin ko? Pahingi po ng pampalakas ng loob. Salamat po.