Subchorionic Hematoma

Hello po, magtatanong lang po sana kung may diagnosed po sa inyo ng ganito and experienced bleeding with clots? I am currently 9 weeks pregnant and bleeding. Nagpasugod po ako sa ER last Nov 30 due to heavy bleeding and was sent back home. Ang findings, mababa yung Inunan ni baby, meron po ako SCH (Nakita during TVS during 6wks pero nag clear napo ako dito during 8th week) and closed ang cervix. Bumalik daw po sa ER if may mga magpapass na large blood clots, hopefully wala kase I know wala na si baby pag ganun 😞 Niresetahan po ako ng duphaston 3x a day and complete bed rest for 2weeks. still may spotting and proceed to bleeding alternately padin ako hanggang ngayon. May nakikita padin akong clots na maliliit. May takot napo akong nararamdaman pero nananalig parin na magiging okay ang lahat. I wanna know if meron po bang nakaexperience ng ganito. Thank you po sa mga sasagot. #1stimemom #advicepls

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis, kamusta yung naging pregnancy mo? currently in the same situation.. and nakaka worry kahapon lang ako nagbleed then punta agad ako sa ER ayun bedrest and duphaston din nireseta sa akin 3x a day for 2 weeks.. 2nd day ko pa lang nagduduphaston medyo malakas pa rin bleeding ko and with small clots na.. di ko alam gagawin ko.. itutuloy ko muna si duphaston since kakastart ko lang naman.. o babalik ako ng er..

Đọc thêm

aq mamsh, 7wks ko my SCH aq, bedrest 3x a days duphaston at isoxillan... pagbalik ko ng 9wks, wala n ung SCH ko,, kaso nung 12 wks ko nagbleed ulit aq, kaya bedrest with duphaston and isoxilan aq til 4mo.s ko,, sundin mo lng c OB mamsh, evrytng will b ok, at syempre matinding selfdisciplin at pray ky God... 37wks 3 days na aq now,,

Đọc thêm

Hindi ko to ma experience mamsh. Sana maging maayos lahat. Basta stay in bed ka na lang ang hanggat maari iwas magpaka stress by too much worrying.

3y trước

Salamat po mamshie sa pagsagot! Di ko na nga din iniisip basta continue ang pananalig at pagdadasal. di lang talaga maiwasan dahil nakaka worry din talaga. Ingat po kayo palagi 😊