Break Up

Hello po. mag seek lang po ako ng advice and encouragement na din po. Kakagaling ko lang po sa break up. 3 years and 3 months kami nung guy. Mahal na mahal ko po sya. Kahit may anak sya. Nakipag hiwalay po sya sa akin dahil napapagod na daw po sya sa ugali ko at nagsasawa na daw po sya. Hindi ko po alam bakit sya napagod sa ugali ko kasi di naman po kami lagi nag aaway. Ang nangyari kasi is I asked him to pray. Pinilit ko sya na mag lead ng prayer namin. Nagalit sya kasi pagod daw sya. Ang sa akin po is, mahal na mahal ko po sya ayaw ko syang mawala. That night din po, nakipag hiwalay sya. Kinabukasan nag my day sya ng picture ng babae na di naman sikat. Sa pag investigate ko, nalaman ko may second account po sya at friends sila dun nung babae. Worth it pa po ba na mag hold on ako sa nararamdaman ko para sa kanya? Nahihirapan po ako mag move on kasi mahal na mahal ko po talaga sya kahit may anak na sya sa iba. Parehas po kaming 24 years old. Sana po mapayuhan nyo po ako. Salamat po.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ginawa lang nyang dahilan yun pero ang totoo niloloko ka nya imagine dahil lang sa pag lead ng prayer makikipag break sya. Tama na girl hayaan mo na sya. D mo deserve ng ganyang guy. Mahirap mag move on pero kaya mo yan 😊

5y trước

Hindi rin po kami nag aaway lagi. Kaya di ko rin po makita yung dahilan bakit sya mapapagod sa akin. 😞