HELP! Teenage Unexpected Pregnancy
hello po.. i'm 21 y/o working na at graduate nadin... then yung bf ko graduating this april. di kami legal sa side ko then sa side niya legal naman. ask lang po ako ng help kung paano kami aamin sa parents ko?
Hello po cyst. Di ka na po teenager. Nasa early adulthood stage ka na. :) Ang maipapayo ko sayo dalhin mo jowa mo sa house niyo at ipakilala sa parents mo. Sabay kayo magtapat. Normal lang na mabigla. May konting disappointment. Syempre di ka nagdadala ng jowa sa bahay tapos mabalitaan nalang nila na buntis ka. Ang kinaganda naman niyan graduate ka na at may work na. Same naman sa jowa mo na graduating na ng April 2020. Pakita niyo nalang na kaya niyo ang obligasyon. I'm sure matutuwa naman ang magulang niyo dahil may new member of the family na darating.
Đọc thêmSame situation tayo before. Actually this year lang nangyari. Tinago ko sa parents ko pero sa relatives ko hindi. Hindi ko kasi alam pano sasabihin, naghintay akong makahalata sila at magtanong. That time kasi working na rin ako pero magmamartsa palang. Hanggang sa ayun, nahalata na at tinanong ako. Umamin naman ako. Ngayon, ayos na. Nasettle na namin kasi nagpunta si bf sa bahay with his parents. Payo lang.. kay mommy mo unang sabihin. Magagalit sya sa una pero matatanggap niya at maiintindihan nya.
Đọc thêmKausapin mo parents mo kasama boyfriend mo. Normal na magalit sila, pero for sure di ka rin naman nila matitiis. Mas maganda na may mga plano na kayong dalawa ng boyfriend mo pano itataguyod ang pamilya niyo at sabihin mo yun sa parents mo para din may peace of mind sila. Mahirap yan pero pag nakausap niyo na, for sure para kang nabunutan ng tinik. Iba mag alaga ang parents sa anak nilang buntis. Goodluck and kaya mo yan. 😊
Đọc thêmDalhin mo po si boyfie sainyo at ipakilala. Then from there dahan dahanin nyo ang pagpapaalam. Graduate k nmn na and hindi nmn cguro ganun ka sakit un s parents mo kagaya ng mga undergrads na nabubuntis. Sa umpisa lang yan masakit, kapag tumagal mas mahal p nila ung baby. 😊
Same po tayo. Pero wala tayong magagawa kundi sabihin sa parents ntin. Luckily, tinanggap naman nila ang bf ko at nag pagkasal kami after few months. Kaya mo yan sis. Sa una lng mahirap.
nako sis kausapin mo family mo about sa relasyon nyo ,mhirap na kung sa iba pa nila malaman, masasaktan sila for sure at magugulat
Pray ka po muna and the Lord will guide you. Always remember din na the truth will set you free.
I feel you mamsh 😔
21yrs old is already adult. Kausapin mo parents mo and isama mo bf mo..
Until 19 lng po ang teenager