Galaw ni Baby
Hello po. Ilang weeks/months na po kayo nung naramdaman niyo po galaw ni baby? 16 weeks na po ako pero wala pa ko maramdaman. Nakakakaba po kasi. Salamat po. #pregnancy
Ganyan din Po ako kinakabahan ako sobra nung mga 13-15 weeks ko. pero every check up ko sa oby ko at tinitignan Naman ung heart rate nya pumapamatag Naman Ang loob ko. and then ngayon mas madalas ko na sya nararamdaman na parang may something na gumagalaw sa belly ko nakakatuwa Lang Kasi minsan dumadalas sya sa paggalaw.
Đọc thêm12 weeks ko unang naramramdaman pitik ni baby. sobrang faint lang yun kaya akala ko nung una yung heartbeat ko pero pag yung heartbeat kasi natin sunud sunod yung kay baby one and mas malakas konti sa pitik ng heart beat. or pwede rin pong pumipitik na kaso kala niyo hindi pa sya yun.1st baby ko din po yun noon.
Đọc thêmearliest is 16wks, pero wag kang kabahan lalo at first baby kase yung akin 18wks ko na nafeel 😅and depende din sa location ng placenta, yung iba 6mos or 7mos na nila narramdaman.
pumitik saken noon pero ilang weeks palang po ako dalawang beses nagulat din ako akala ko kung ano na yon then tinanong ko sila mama sabi nila okay lng daw yon kasi nagfoform palang si baby
skin 14 wks pumipitik na sa bndang kanan ng puson sis, at 16wks nsa gitnang puson na sya at umaalon alan ngayon 25 wks na mas nrrmdaman ko na khit mga bnti, siko at tuhod nya
around 16weeks akin mii 17weeks na ako now and ramdam ko na siya. try mo observe tummy pag at rest ka makikita mo pitik ng heartbeat niya 😊
ako po 1st baby ko po ngayon and I'm currently on my 28 weeks and 5 days .. nararamdaman ko po galaw nya ng 20 weeks ..
sa 1st baby ko 20 weeks sa 2nd baby 16 weeks malikot na, normal lang na hindi mo pa maramdaman kung 1st baby mo
Ako po mga 16weeks po ako non e pumitik po sya minsan mararamdaman ko pag umuubo ako or umaatshing napitik ganon
Ako po 18 weeks preggy na sa 1st baby ko. nagstart ko mafeel galaw ni baby later part ng 17 weeks.