baby gender
hello po ilang weeks or months na yung tyan nyo nung nakita nyo ang gender ni baby? i'm 24 weeks na pero ang ilap pa din magpakita ng gender nya para nyang tinatago sa amin ? totoo po ba yung pag hindi agad nagpapakita ng gender si baby babae sya? Thanks po ?
ako po 26 weeks na ayaw padin pakita ni baby gender nya, breech daw kc. tinatago nya ng paa nya. 😅 depende po kc daw un sa position ng baby, inip much na ko 😅 hehe
20weeks sa akin pero CAS namin kasi pinagawa ko kaya kahit takpan niya makikita pa rin.Pricey pero worth it nman kasi normal lahat ng body organs niya from head to toe.
Same tayo, sis. 24 weeks din ako nagpautz pero di pa sure kung babae kasi 60% lang ang sabi sakin. Balik pa ko after 3 weeks. Maganda 7 mos na para sure na sure 😊
20 weeks kita na gender lalo na kung sonologist din ob mo,..but me mga case na ayaw talaga pakita ni baby..antay antay mo lang bka nakadapa si baby mo😊
4 months, nagpa ultra sound ako. Labas agad ang gender ni baby. DIPENDE siguro kung gaano kabilis ang development growth ni baby para makita ang gender.
30 Weeks in 2days nung mgpa-ultrasound ako ulit at kitang2x na ung gender..Its a boy kc nkalawit ung butotuy nea nung 1st ultrasound ko nde nkta..
Ako dati, di makita kita ang gender niya, mas madali kasing makita pag lalaki ang bata kahit 3months ,pero ang babae pahirapan, baka babae yan mamshh,
20 weeks po si baby nung nakita ung gender nya sakin. baka kaya hindi makita gender ni baby kasi nakacross ung legs po nya.😊nakatago po.
20 weeks nagpa ultrasound ako for gender pero di pinakita ni Baby. tas nung nag paultrasound ulit ako after 1month nakita na. it's a boy. 😁
saakin turning seven months, and bby girl nga sya. hehe. cgro nga sis kc nung 5months preg aqo nag pag ultrasound d p nya pinakita saamin😍