Ilang months po kayo nagstart bumili ng gamit ni baby?
Hello po. Ilang months po kayo nagstart bumili ng gamit ni baby? I'm 5 months pregnant now and gusto ko na sana magunti unti. Pero sabi nila at kasabihan na din nang matatanda better to start at 7th month. Hehe Andddd ano pong type ng damit ang mas gamitin ng newborn? Thanks po. First time mom here 🥰
For me mamshie NO about sa kasabihan base sa experience ko ganyan ma ganyan din sinasabi sakin before and nung una natakot ako kasi bago nabuo si LO ko 2x ako na miscarriage kaya nung una hesitate talaga ako but thank God hindi naman nangyari ung ganun. Nung nalaman namin gender ni baby 21weeks 3days ago bumili na ako un nga lang online hehehe kasi bawal lumabas pandemic. Kasi important ung bago ka po manganak complete na ung mga gamit ni baby lalo na po ung basic🙂 Base din sa experience ko mas gamit nya ung short sleeve and sando type na barubaruan kesa sa ibang newborn clothes and mas ok din ung onesies na mga newborn clothes.
Đọc thêmAko po nagstart mamili ng gamit ni baby after ko malaman gender niya. 23 weeks and 3 days ako non. Ngayon 26 weeks and 5 days nako. Konti nalang makukumpleto ko na. Maganda din po nakakapag unti unti na ng bili ng mga needs ni baby para hindi nakakabigla sa gastos. Sa lazada lang ako nag oorder tapos lagi ko pinipili yung magandang klase pero affordable 😊
Đọc thêmHi po, ako po start ng ganyang month nagiisa isa na ng mga kulang. Swerte po ako na madami bigay na gamit yung Ate ko kay baby. Pero parang hanggang kabuwanan, nagkukumpleto pa din po ako. Better to start early. Gamitin po yung mga white na tie sides at pajama for me. Yung short sleeves po mas nagamit ko kesa sleeveless or long sleeves.
Đọc thêmMas maganda po maaga paunti unti. Nag start ako 3 months hanggang sa makumpleto ko sya ng 7 months na. Hindi ako naniniwala sa kasabihan kasi mas mahihirapan ako pag biglaan eh. Gusto ko prepared na ng maaga para kung may kulang pa makikita ko ng mas maaga.
7month or 8month sa online pwede ka bumili pero maganda din ung Ikaw makakakita para makalakad lakad at bumaba SI baby sa tummy Lalo na first time mom kapo onesies po or LC brand ayos din Ang baru baruan sleeveless shortleeves and longleeves pajama
Đọc thêm20 weeks si baby nung nagstart ako mamili ng gamit. Para sa akin better mag-start ng maaga para kung sakaling early ang maging delivery prepared na ang baby bag. Mas mahirap kasi yung aanak ka na tapos wala pa kahit isang gamit si baby.
Nag start ako nung nalaman ko yung gender (20 weeks) 😁 kaso mukang napasobra wahahaha naorder ko na lahat, tuloy kung ano ano pa ang naidagdag ko. 🤦♀️ Pigil nalang sa pag order hahaha ang cucute kasi🙄🤪
8th month ako nag-start. Yung gamit lang ni baby before that ay yung mga bigay. Mabilis lang naman bumili. Pero kung in a budget ka, mas ok unti-untiin. Pricey kasi yung ibang gamit
5months preggy here, plan ko mga 7months which is sa December para narin sa mga sale hahaha. hirap padin mamili ngayon kasi di pa alam gender ni baby kaya nagdadalawang isip pa 😅
2nd trimester nagstart na ko mamili ng white tie sides shirts,pajamas, mittens,booties. nung nalaman namin gender saka ko bumili nang pang girl, hindi na tumigil eversince 🥰