Iyakin Si Baby

Hello po. Hingi po sana ako ng advice kung anong pwede/mabuting gawin sa lo ko, sobrang iyakin po kasi sa gabi(8pm-12am). Tulog naman sya sa 1am-3am at iiyak na naman bago matulog pag 4am. 3 oras lang yung tulog ko everyday, di naman ako makasabay pagtulog nya sa umaga dahil iidlip idlip lang si baby at gusto palaging karga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko hanggang sa umiiyak na lang din ako dahil wala akong magawa para tumigil sa pag iyak si baby. Feel ko nga may PPD ako dahil sa kaiiyak ko nang walang dahilan at laging maiinitin ang ulo ko.. 😢😢😭😭 #advicepls #1stimemom

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

FTM here. As per pedia namin, eto daw po 3 major reasons ng pag iyak ni baby: - gutom - need change diaper - need comfort Normal daw na magpakarga or yakap si baby since hanap nya warmth ng body natin also pag malapit sya sa chest natin, naffeel nya heartbeat natin. Parang comfort zone nya yun since yun yung madalas nya naririnig buong stay nya sa tummy natin. Puyat is real talaga mommy lalo na sa umpisa kasi lahat tayo nag aadjust. Stay strong mommy kaya natin to 💪😁

Đọc thêm
4y trước

Salamat. As in hirap na talaga ako. Ako lang kasi isa, walang kasama sa bahay tuwing umaga dahil nag work si mister.