Wag mo po suutan ng Diaper pag daytime. Tiyaga lang po sa mga Shorts/undies na mababasa at sa mga ihi/poop na magkakalat part po talaga ng potty training yun. Yung toddler ko po before 2y/o, sa potty na sya umiihi at nag ppoop, ngayon po sa Cr na, and sya nalang mag isa pumupunta ng cr at magbababa ng short/undies nya pag iihi. Pag Poop naman sa Toilet bowl na, need lang sya alalayan kasi medyo mataas yung Bowl namin and simula 2 yrs 8mos, di na po sya nag didiaper kahit pumupunta ng mall. She's now 3 yrs and 4mos na hehe. Tiis at tiyaga lang po talaga sa pagtuturo at pagpapaalala
Carla Paula